Chapter 6

1513 Words
Sophia POV Magtatanghalian na ng matapos kaming maglinis ng unit. Weekend lang kasi ang oras namin para makapaglinis ng buong bahay. "Ahm, Bella lalabas nga pala ako mamayang gabi ha. May kailangan lang akong puntahan." Paalam ko kay Bella. "Wait. May date ka mamaya? Sino kadate mo? Aba kailangan makilala ko yan mahirap magtiwala sa kung sino lang friend." Sabi niya. "Ano kaba hindi ako makikipag date." Sagot ko naman. "Ah okay, nag aalala lang naman ako sayo. Saka mag iingat ka ha baka may makakilala sa iyo sa labas masabi sa mangkukulam mong madrasta na nandito ka sa Manila." Paalala naman niya. "Wag ka mag alala mag iingat ako. Ikaw ba walang date mamaya?" Tanong ko. "Ha? Sino naman makakadate ko eh binasted ko na yung nanliligaw sa akin last week pa." Sagot naman niya. "Sabi mo eh! Wait lang magluluto na ako ng lunch natin. Sige na magshower ka na ako na bahala dito." Sabi ko. Nagsalang kaagad ako ng rice sa rice cooker saka sinimulan maghiwa ng mga gulay na isasahog ko sa sinigang nga bangus. Isada nalang ang niluto ko oara mas mabilis maluto. Makalipas ang halos isang oras ay tapos na rin akong magluto. Nakahanda na rin ang mesa ng lumabas ng kwarto niya si Bella. "Maupo ka na at kumain na tayo para hindi lumamig ang pagkain. Isda nalang ang niluto ko oara mabilis lang iluto." Sabi ko sa kanya. Agad naman niyang tinikman ang niluto kong sinigang. "The best cook ka talaga. Ang sarap nito Sophia. Mapaparami nanaman kain ko nito." Sabi niya. "Mainam nga yon para magkalaman ka pa ng kaunti namamayat ka na sa dami ng trabaho mo sa finance department." Sabi ko naman. "Anong oras ka nga pala aalis mamaya?" Tanong niya. "Mga 6pm na ako aalis mamaya. Marami akong niluto na sinigang para hindi ka na magluluto ng dinner mamaya." Wika ko. "Thank you ini-spoiled mo na talaga ko friend. Akalain mo yon sa ating dalawa ikaw yung lumaki na mas buhay prinsesa pero ako pa ang inaalagan mo. Alam mo yon ang yaman mo pero ang dami mong alam sa gawaing bahay." Sabi niya. "Limang taon akong namuhay mag isa sa US Bella, akong aasahan don kundi sarili ko dahil hindi naman uso ang katulong doon. Kung hindi ako matututo ano nalang mangyayari sa akin doon diba?" Palianag ko sa kanya. "Sabagay nga. Sige na ikaw naman mag shower oagkatapos nating kumain ako naman ang magliligpit." Sabi niya. Pagkatapos namin kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko para magshower. Pagkatuyo ng buhok ko ay nahiga muna ako sa kama, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Alas kwatro na ng hapon nang gisingin ako ni Bella. "Sophia gising na. Akala ko ba mag lakad ka ng 6pm? 4pm na oh. Baka malate ka na sa lakad mo." Sabi niya. Kaagad naman akong napabagon ng sabihin niya ang oras. Halos tatolong oras pala akong nakatulog. "Hala, buti ginigising mo ako. Magpapahinga lang sana ako pero napasarap naman ang tulog ko." Sabi ko. "Sige na magprepare kana para hindi ka malate sa lakad mo." Sabi niya. "Okay, oo nga pala may gusto ka bang pagkain para sa dinner bukod sa ulam kanina? Ipagluluto muna kita bago ako umalis. May oras pa naman." Sabi ko. "Ano ka ba okay nayon, ang dami pa kaya ng natira natin kanina. Ako na bahalang magluto ng rice." Sabi naman niya. "Sure ka ha?" Tanong ko ulit. "Oo naman. Sige mag prepare ka baka dumating na date mo eh!" Biro niya sa akin. "Hindi nga ako makikipag date, may kakausapin lang ako saka kung may ipapabili ka sabihin mo kaagad para makabili ako bago umuwi mamay." Sabi niya. "Okay na ako sa milktea friend. Yung milktea diyan sa café sa baba." Malambing na sabi niya. "Sige bibili ako mamaya pag uwi ko." Sabi ko naman. Nag fresh and up nalang ako dahil nakaligo naman na ako kanina bago makatulog. Nagsuot nalang ako ng denim above the knee skirt at white blouse. Paparisan ko nalang ng black wedge sandals na 2 inches lang ang taas. 10 minutes bago mag 6pm ng lumabas ako ng kwarto. Kasalukuyan akong nagsusuot ng sandals ko ng may nag-door bell. "Ako na magbunukas ng pinto. Taousin mo na yang ginagawa mo baka malate ka na talaga." Sabi niya at dali daling binuksan ang pinto. "Sir, kayo po pala may kailangan po ba kayo?" Gulat na tanong ni Bella. Kaya lumapit na rin ako sa kanya. Nagulat ako ng makita si sir Jackson dito sa harap mismo ng unit ni Bella. "I'm here to fetch Sophia." Sagot niya kay Bella. "Ready ka na Sophia"" tanong naman niya sa akin. "Ah yes Sir. Pababa na nga sana ako." Sabi ko naman. "Ehhhhm. Friend di mo naman sinabi na si Sir Jackson pala ang kasama mo." Bulong niya sa akin. "Sorry na hindi ko nasabi sayo, hindi ko naman akalain na pupunta pa sya dito." Bulong ko din sa kanya. "Ah sir pano nyo po nalaman na dito kami dito kami nakatira ang pagkakaalala ko hindi ko po sinabi sa inyo kung saan ako nakatira." Sabi ko. "I have my ways Sophia at isa pa may access ako sa lahat ng information ng mga empleyado ko. Saka dito rin ako nakatira sa building na ito at kaibigan ko ang may-ari nito." Sabi niya. "Takaga sir, dito kayo nakatira? Bakit po ni minsan hindi namin kayo nakita dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bella. Sa penthouse ako ng condominium building na ito at may sarili akong elevator kaya hindi ako nakikita ng kahit na sinong mga tenants dito." Paliwanag naman niya. "Ah, kaya naman po pala. Hala malelate na kayo! Sige na go go go. Sir ingatan nyo po itong best friend ko ha." Sabi ni Bella. "Of course, By the way flowers for you." Ibiabot niya sa akin ang bouquet of red and white roses na kinakilig naman ni Bella. "Ikaw Sophia ha, sabi mo hindi date. Bakit ma pa flowers?" Kinikilig na sabi niya. "Ano ka ba Bella umayos ka nga." Bulong ko ulet sa kanya. "Shall we?" Sabi ni Jackson at inilahad pa ang kamay niya. Nahihiya man ay inabot ko ang kamay niya. "Bella, aalis na kami." Paalam ni Jackson sa kanya. "Ingat kayo Sir. Sophia may utang kang kwento sa akin ha! Bye lovebirds." Sabi pa niya bagi isinara ang pinto. Inalalayan niya ako papasok ng elevator. Nakakapanibago talaga ang mga kinikilos niya. Pagdating namin sa basement at makalapit sa sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang makasakay na ako sa kotse saka palang siya pumunta sa driver's seat. Sa isang French Restarant niya ako dinala. Ipinaghila niya ako ng upuan bago siya naupo sa katapat ko naman na upuan. Nasa isang private room kami ng restaurant kaagad naman isinerve ng wauter ang mga pagkain. "Ahm, Jackson ano ba pag uusapan natin? Bakit hindi nalang natin sa office pagusapan may pasok naman na rin bukas." Sabi ko. Umiling naman siya. "Let's eat first we talk about that later okay?" Sabi niya kaya tumango nalang ako. Tahimik lang kaming kumain. Maya maya ay dumating ang waiter na may dalang bite ng wine. "Sir pinapabigay po ni sir Phoenix." Sabi ng waiter. "Thank you. Nandito ba sila ni Hera ngayon?" Tanong niya. "Yes Sir, nasa office po ni Ms. Hera." Sagot naman ng waiter. Pagkasabi non ay agad namang nagpaalam ang waiter at umalis. "Kakilala mo ang may-ari nitong Restaurant?" Tanong ko. "Yeah, Si Hera kapatid ni King na na kaibigan naman namin ni Phoenix." Sabi niya. Nakakagulat ang yaman nilang magkakaibigan. Si Jackson CEO ng isang sikat na jewelry company, yung kaibigan nya nagmamay-ari ng condominium at hotels. "Bigatin pala mga kaibigan mo." Sabi ko naman. "Hindi naman, sadyang masisioag lang kami magtrabaho saka sa mga magulang naman namin galing ang mga iyan." Sabi naman niya. "May mga business ka rin naman na kailangang imanage at ang oagkakaalam ko ang pamilya mo ang may pinakamalaking rancho sa Cebu." Sabi naman niya. "Hindi pa naman sa akin iyon, saka baka mawala na rin naman sa akin lahat ng iyon." Malungkot na wika ko. "By the way, I want to talk to you privately to tell that I going to terminate our contract." Diretsong wika niya. "Okay, wala naman kaso sa akin kung ititigil na natin yung deal, basta wag nyo lang akong tatanggalin sa trabaho." Sabi ko naman. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin Sophia. I want to terminate the contract because I want our relationship to be real. Yung walang kontrata, Be my wife Sophia." Sabi niya. "Ha? P-pero kasi h-hindi ka pa naman nanliligaw at hindi din tayo naging mag boyfriend/girlfriend tapos wife kaagad?" Nauutal na sabi ko. "Please be my wife Sophia and I will court you everyday though I'm not good at it." Sabi naman niya. Hindi ko alam kung anu ang isasagot sa kanya. Sobrang bilis nya naman kasi. Nung nakaraang lingo lang sabi nya magpapanggap lang kami tapos ngayo gusto nya totohanin. "Pero kasi diba sobrang bilis naman? Kakakilala lang natin 2 weeks ago." Sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD