Rafael’s pov TINAWAGAN siya ni Feonna kanina at sinabi sa kanya na sumama siya kay Sue kapag lumawas ito ng Manila. Kung kinakailangan daw na ipilit niya ang sarili kay Sue ay gagawin niya. Napapailing na lamang siya. Labis na ang kasamaan ni Feonna. Hindi na ito naawa kay Sue. Pagkatapos nitong kunin si Winston kay Sue ay plano pa nitong siraan ang buhay ng babae. Hindi siya papayag. Hindi niya hahayaan na makuha ni Angelo si Sue. Kailangan niyang mautakan si Feonna na hindi ito magdududa sa kanyang pagtalikod sa babae. Kahit pa mahal na mahal niya ito ay hindi niya hahayaan na may mapahamak pang muli. Kailangan matapos na ang kasamaan nito. Kailangan niyang gumawa ng plano. Tinawagan niya si Sue upang sabihin na luluwas siya ng Manila bukas. Drama n

