CHAPTER FOUR

1874 Words
  Winston’s pov       Mabigat na mabigat ang ulo ni Winston ng magising siya kinaumagahan. Kagabi pa masama ang pakiramdam niya pero ngayon ay parang natuloy na sa lagnat. Umiikot ang paningin niya sa paligid. Mataas din ang kanyang lagnat niya. Hinila niya ang kumot at binalot ang buong katawan. Napabaluktot siya ng higa. Ngayon niya naramdaman na nag-iisa lang pala siya.   Hungkag ang pakiramdam niya.   Mahirap ang walang pamilya.   Hindi niya maituturing na pamilya si Feonna dahil wala lang siya sa buhay nito kung baga sa gamit isa lang siyang pang-display at kung kailangan gagamitin ay saka lang papansinin. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na natulog.   Nagising siya nang pumihit ang pinto. Lihim siyang natuwa nang makita niya si Feonna. Pilit niyang idinilat ang mga mata pero talagang nahihilo siya. Naramdaman niya ang pagsapo nito sa kanyang noo. Sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam ay hindi niya magawang magsalita. Sapat na siguro ang makita siya nitong maysakit upang kahit papano man lang ay alagaan siya.   Muli siyang nakatulog dahil sumasara ang mga talukap ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya paralisado ang buong katawan niya dahil hindi niya maikilos ang mga iyon.   "Uhhhm," ungol niya nang muli siyang magising. Hinanap ng mga kamay niya ang kumot dahil nakaramdam siya ng panlalamig. Wala pala siyang suot na saplot maliban sa pang-ibaba niya. Naramdaman niyang may pumupunas sa kanyang katawan. Natitiyak niyang si Feonna iyon pero nang dinilat niya ang mga mata ay mukha ni Sue ang kanyang nakita. Pinupunasan nito ang kanyang dibdib. Naramdaman niya ang init ng mga kamay nito sa kanyang hubad na dibdib. Naging komportable ang pakiramdam niya dahil sa ginagawa nitong pagpunas.   "Sue?" tawag niya sa pangalan ng babae.   "Mabuti at gising ka’na. Gumawa ako ng lugaw. Kumain ka’na muna para lumakas ka," sagot sa kanya ng babae. Inaayos nito ang kanyang kumot.   "Hindi ko kayang gumalaw," mahina ang boses na wika niya. Inilapat nito ang kamay sa kanyang noo upang tingnan kung mainit pa siya.   “Kahit papano nabawasan na ang init ng katawan mo,” wika sa kanya ng babae. Malambing naman pala ito. Kayganda naman pala pakinggan ng boses nito kung hindi galit.   Inakay siya nitong umupo at sinubuan siya ng ginawa nitong lugaw. Kahit hirap siyang tanggapin ang lugaw na hinain nito ay pilit niya pa ring nilulunok ang sinusubo nito. Nagtataka lang siya kung bakit ito ang nandito at hindi si Feonna. Ang babae dapat ang nasa tabi niya at hindi ang secretary nito.   "Thank you," wika niya ng matapos siyang kumain. Pinainom din siya nito ng gamot pagkatapos  siyang bihisan. Nakapikit pa ang mga mata nito kapag napapatitig sa matambok niyang harapan. Kung hindi lang masama ang pakiramdam niya hindi niya papalampansin ang pagkakataong kasama ito sa loob ng silid.   "Wala ‘yon. Trabaho ko ito,"sagot ni Sue kaya nadismaya siya. Akala niya pa naman ay kagustuhan nitong alagaan siya. Asa pa siya sa babaing ito. Wala naman itong pakialam. Ano ba ang inaasahan niya dito? Katulad lang din ito ni Feonna.         "Nasaan si Feonna?" tanong niya dito matapos ang ilang sandalling katahimikan na namagitan sa kanila.         "May lakad siya kasama ang barkada," sagot ni Sue.        Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Ngayon niya lang napagtanto na talagang s*x lang ang kailangan sa kanya ni Feonna. Dahil kung importante siya dito sana man lang ay nag-abala itong alagaan siya. Kahit saglit lang. Kahit kailan ay hindi siya nito itinuring na parte din ng buhay nito.   Kung sakaling si Feonna ang nasa sitwasyon niya ngayon ay hindi niya ito pababayaan. May puwang na kasi sa puso niya ang babae. Napabuntong-hininga na lamang siya.       "Magpahinga ka nga muna," wika sa kanya ni Sue bago inayos ang kumot niya. Tinulungan siya nito upang maayos siyang makahiga. Nakatitig lamang siya sa babae. Muli nitong inayos ang kanyang higaan at maging ang kumot nito.   Aalis sana ito nang hawakan niya ang kamay nito.   "Sue, pwede ba dito ka’na muna sa tabi ko?" pakiusap niya sa babae.   "Bakit?" nakaarko ang kilay na tanong nito sa kanya. Hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Naiilang siya sa paraan ng pagkakatitig ng babae. Bakit nga ba hinihiling niyang manatili ito sa kanyang tabi?   Napakamot siya sa kanyang ulo.   "Ayokong maramdaman na nag-iisa lang ako. Kahit ngayon lang," pagsusumamo niya. Tiniyak niyang nakakaawa ang kanyang mukha upang madala ito sa pagsusumamo niya.   "Umasa ka ba na aalagaan ka ni Feonna?” tanong sa kanya ni Sue. Natigilan siya sa tugon nito.   “Masama bang umasa ako na aalagaan ako ni Feonna? May relasyon kami,” sagot niya.   Sarkastikong ngumiti si Sue sa kanyang sagot.    “Pu'wes nagkakamali ka diyan. Dahil ibang klase si Feonna. Lahat ng tao sa paligid niya ay itinuturing niyang tauhan," wika pa ni Sue sa kanya.   "Gaano mo na siya katagal na kilala?"Hindi niya mapigilang tanong sa babaeng kaharap. Alam niyang marami itong alam kay Feonna dahil kung magsalita ito ay parang matagal na nitong kilala ang babae. Kung hindi lang madumi ang isip niya ay iisipin niyang sinisiraan nito si Feonna. Pero sa kabilang banda ay tama naman ito. Ilang beses niyang napatunayan ang mga sinabi nito dahil iyon din ang nararamdaman niya sa tuwing na kailangan niya si Feonna. Pakiramdam niya ay isa lamang siya sa mga tauhan nito. Isang tagasunod sa lahat ng naisin. Hindi siya maaaring tumanggi o di kaya ay mag-demand. Most of the time ay si Feonna ang nasusunod.    "Magpahinga ka’na," pag-iiwas ni Sue sa tanong niya kaya hindi na lang siya kumibo.   Hindi na siya nakipagtalo pa sa babae isa pa ay kanina pa siya inaatok. Dala rin siguro ng gamot na ipinainom ni Sue sa kanya.   "Matutulog na ako basta pangako mo hindi mo ako iiwan?" tanong niya sa babae. Gusto niyang masiguro na pag-gising niya ay nasa bahay niya pa rin ito.    "Para kang bata. Saan naman ako pupunta kundi dito lang?" mataray na sagot sa kanya ni Sue kaya napangiti siya.   “Pangako?” tanong niya pang nakangiti.   “Isa pang pangungulit mo at lalayasan kita,” pananakot nito sa kanya kaya hindi na siya kumibo.     KAHIT nakapikit siya ay mukha pa rin ni Sue ang nakikita niya. Ang mukha nitong parang laging naghahanap ng away. Dagdagan pa ng kilay nito na laging magkasalubong pero tuwang-tuwa naman siyang pinagmamasdan ito. Hindi nakakasawang pagmasdan. Kahit na para itong tigre na palaging nakasinghal sa kanya hindi niya pa rin maiwasang humanga sa babae. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang ang atraksiyon na nararamdaman niya para sa babae. May ngiti sa labi na ipinikit niya ang mga mata.   Nang magising siya ay mukha agad ni Sue ang una niyang hinanap at hindi naman siya nabigo. Mabuti-buti na ang pakiramdam niya. Nagulat pa siya nang makita niya itong natutulog sa kanyang paanan niya. Pinagkakasya nito ang sarili sa maliit na space. Bumangon siya sa kama upang mapagmasdan niya ito ng mabuti habang natutulog.   Gustong-gusto niya itong halikan pero nagpigil siya.   Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang pagkakataon. Si Sue ang klaseng babae na ni-rerespeto. Hindi nakukuha sa pagpapacute. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at tumuloy sa banyo. Naglinis lang siya ng mukha pagkatapos ay binalikan niya si Sue. Inayos niya ang pagkakahiga nito dahil nangangalay na ito sa posisyon nito lalo pa at nakatagilid ito.    Nang matiyak na okay na ito ay saka pa lamang siya lumabas ng silid. Agad siyang naghanap ng maluluto. Kanina pa siya nagugutom at gusto niya rin makasalo sa almusal ang babae. Gusto niyang magpasalamat dito. Agad siyang gumawa ng soup, cream of mushroom ang ginawa niya. Nagsaing din siya at nagluto ng ham para kay Sue bago niya inayos ang hapag-kainan.   Nang matapos siya sa paghahanda sa kapag-kainan ay nagising naman ito.   Napangiti siya habang pinagmamasdan ito. Naglalakad kasi itong nakapikit. At ang mas umagaw sa kanyang pansin ay ang dibdib nito. Wala itong suot na bra. Nag-init ang mukha niya nang mapansin ang itsura nito. Kaagad siyang umiwas ng tingin.   “Bakit kumikilos ka’na? Baka mabinat ka," gulat nitong tanong sa kanya ng makita nito ang inihanda niyang almusal.   Ngumiti siya sa babae.         "Ano ka ba, lagnat lang ito. Daig ko pa ang nanganak kung tratuhin mo. Saka pwede ba wag mo muna akong I-seduce. Masyado pang maaga," pang-aasar niya dito. Sinulyapan niya ang dibdib nito ng makahulugan.   Nahulaan naman nito ang ibig niyang sinabi. Napatingin ito sa dibdib at agad tinakpan ng kamay.   “Manyak!”  sigaw nito at agad bumalik sa silid niya. Napangiti nalang siya nang makapasok ito sa silid.   Namumula pa rin ang mukha ni Sue nang lumabas ng silid niya. Alam niyang hiyang-hiya ito. Napangiti na naman siya dahil parang hinog na kamatis ang mukha nito sa sobrang pula.   “Pwede ba wag kang ngiti ng ngiti. Iniisip ko tuloy na baliw ka!” galit nitong turan sa kanya. Padabog itong humila ng upuan at umupo.   “Hindi mo na kailangan mahiya dahil nakita ko na ‘yan.” pang-iinis niya sa babae. Nagulat pa siya ng batuhin siya nito ng serving spoon.   "Isusumbong kita sa Feonna mo! " mataray nitong sagot sa kanya.   "Speaking of Feonna, sana kalimutan muna natin siya kahit ngayon lang," pakiusap niya pero nagkibit-balikat lamang ito. Tila wala itong pakialam kung sa kanyang pakiusap.   “Depende,” sagot nitong nagsimulang kumain.  Daig pa nila ang hindi magkakilala habang kumakain at kapag nagsasalita naman siya ay binabara siya nito.   "Rice?" alok niya kay Sue dahil ang konti lang ng kinain nito.    "No, thanks."       "Bakit napakapormal mo? Pwede bang maging magkaibigan na lang tayo? Hiindi ako sanay sa ganito," reklamo niya.    "Hindi ko matatanggap yang alok mo. Ayokong may masabi si Feonna sa ating dalawa," tutol nito. “Boss ko siya at boss rin dapat kita,” wika pa nito.    "Bakit? Wala naman tayong ginagawang masama ah?" depensa niya.    "Wala? Eh ano ‘yong halik mo sa akin nang nakaraang araw? At hindi lang basta halik ang ginawa mo," ungkat pa nito sa nangyari.    "Importante ba sayo ‘yon?" tanong niya sa babae.   Pinamulahan ito ng mukha at pinagtaasan siya ng kilay. "Ang totoo niyan wala lang sa akin ang halik mo. No big deal, kaya kalimutan na natin ‘yon," iwas nito sa kanya sabay tayo sa hapag-kainan kaya hinabol niya ito. Mukhang na-offend ito sa kanyang sinabi. Sinabi niya lang naman iyon upang hindi ito magalit. Paano kung sabihin niya na apektado siya?    "Sue," pigil niya dito. Humarap ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila na tila nag-uusap. Maliit na distansiya lang ang pagitan ng mga labi nila kaya agad niyang tinuwid ang pagitan na ‘yon. Hindi na siya nag-isip pa na baka magalit ito sa kapusukan niya. Masuyo niyang hinalikan ang mga labi nito. Hindi ito umiwas sa kanyang kapangahasan bagkus ay yumakap pa ito sa leeg niya at gumanti rin ng halik. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang naramdaman.   Oo at importante sa buhay niya si Feonna. Pero kay Sue? Sa babae niya nararamdaman ang unang t***k ng puso. Sa pangalawang pagkakataon na naglapat ang kanilang mga labi ay para siyang nababaliw. Tila sabik na sabik siya sa mga halik at halos ng isang babae.   Ang pakiramdam niyang iyon ay kay Sue niya lamang naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD