Winston’s pov HINDI mapigilan ni Winston ang maiyak sa sakit na nararamdaman niya. Ngayon lang siya nasaktan ng ganito kaya naman hindi niya makontrol ang pagpatak ng mga luha niya. Hindi niya na alam kung ano ang nangyari sa magkapatid nang umakyat siya sa sarili niyang silid pero mula sa labas ng bintana ay nakita niyang umalis si Feonna. Hindi siya makapaniwala na kaya siyang lokohin ni Sue. Pinasakay siya nito sa kasinungalingan nito. Akala niya pa naman ay mahal siya ng babae at handang ipaglaban kahit kanino. Masaya na sana siya dahil may tumanggap sa kanya ng buong puso at walang halong panghuhusga pero ang lahat pala ay isa lang kasinungalingan. Isang pagpapanggap lamang. Hindi niya matanggap ang ginawa ni Sue sa kanya lalo pa at tunay ang pagmamahal niya rito. Hindi niya tuloy

