#9

1980 Words
--April-- NANLAKI ANG mata niya sa nakita. Nang banggitin ni Noah na may susundo sa kanila, at ihahatid sila sa Cebu ay natuwa siya. Pero hindi niya sukat akalain na ang tinutukoy nito susundo sa kanila ay isang private chopper...yes, its chopper! Lumapag ang chopper di kalayuan sa apartelle, sa may bakanteng lote banda. Wow! She's speechless. Mas kinagulat pa niya dahil ang chopper ay may tatak na Walsh Corporate logo. Naguguluhan man nagpaubaya na lang muna siya nang hatakin na siya ni Noah patungo sa chopper. Tinulungan siyang makasampa ni Noah. Magkatabi sila naupo, saka sinuotan siya nito ng headset. Nakaramdam siya ng konting takot ng magsimulang umaangat ang sinasakyan nila. Oh lord! Naramdaman niya ang paghawak ni Noah sa kamay niya. Sumulyap siya rito. "Don't worry--magaling na pilot ang kaibigan ko." sabay sulyap sa pilot. "Marshall at your service--" nakangiting pakilala nito sa gawi nila saka muling tinuon ang tingin sa harap nito. "Ano bang trabaho mo ba't may friend kang pilot?" kunot noong tanong niya kay Noah. Ang gara kasi, pang mayaman ang datingan. Hala--hindi kaya nagta'trabaho din si Noah sa Walsh Company? "Later--I'll tell you." he just smile and wink at her. Napailing siya, pati puso niya ang gara ng kabog dahil sa ngiti ng binata. Wala pang trenta minutos ay matiwasay silang nakalapag sa itaas ng Walsh Hotel sa Cebu. Isa sa mga five star hotel sa cuidad ng Cebu. Daig pa niyang nabatubalani, sobrang ganda ng tanawin sa itaas ng building. Sa wakas nasa Cebu na siya! Amen! May sumalubong ng bati kay Noah, dalawang staffs ng hotel. Ngumiti lang ang binata saka iginiya naman siya nito patungo sa elevator. Magkahawak kamay pa sila. Napatitig siya sa mga kamay nila na magkasiklop. "Holding hands talaga?--" pataray na wika niya sabay matalim na tumingin kay Noah. Natawa lang ito sabay kurot sa pisngi niya ni hindi naman binitawan ang kamay niya kahit anong pilit nyang agawin dito ang kamay. Pagbaba ng 20th floor, tumapat sila sa isang magarang pinto. Inilapat ni Noah ang daliri sa gilid ng pinto, finger scanner lang ay bumukas na ang pinto. Galing! Teka--litong lito na talaga siya kung sino at ano ba rito si Noah. Bumungad sa paningin niya ang isang magarang kwarto. Oh.My.God. "Please stay here for the meantime--may kakausapin lang ako. Wait for me, okay?" mayamaya ay wika ni Noah sa kanya. "Marami akong itatanong sa'yo--mga bente, kaya bilisan mo." sarkastikong aniya. Natawa naman si Noah sa sinabe niya. "Ask me anything later, honey--basta stay here, hmm--pahinga ka muna. pwede ka maligo if you like--babalik din ako." ani ni Noah saka mabilis na lumabas ng kwarto. Gulong-gulo na siya. Ay bahala na! Nang akmang tutungo siya sa banyo ng may biglang maalala...holy crap! nasa Walsh Hotel siya?Ibig sabihin andito si Danny? Oh s**t! Kailangan niyang hanapin ang nobyo, palabas na siya ng pinto ng maisip niya si Noah--huminga siya ng malalim. No, April--you must find your boyfriend first! Tama. Si Danny muna. Mabilis siyang tumungo sa elevator upang magpunta sa lobby ng hotel, doon siya magtatanong. Wala kasi siyang cellphone para matawagan ang boyfriend. Nang makarating sa looby ng hotel kaagad siyang nagtanong kung nasaan ang advertisement team ng Walsh Food Corp. Nalaman niyang ngayon pala ang last day of shooting ng buong team. Oh thanks god! andito pa rin si Danny. Lakad takbo niyang tinungo ang lugar kung saan nagsho-shoot ang mga ito. Luminga siya sa paligid ng isang malawak na silid katabi ng banquet hall. Maraming mga crews and staffs sa paligid. Where are you Danny? May nahagilap siyang isang pamilyar na ka-team ni Danny. Nilapitan niya ito kaagad. Si Franco. Isang gay na ka-work ni Danny. "Hey!--Pwede ko bang malaman kung nasaan si Danny?" Halatang nabigla ito ng makita siya. Tila namutla ito. "A-April?--hmm w-why are you here?" "Si Danny--siya ang pinunta ko. Where is he?" gustong-gusto na niya makausap ang nobyo niya. Napainom ito ng bottled water na hawak saka iginiya siya palayo sa mga staffs. "N-Nasa--nasa room 705 siya. Ahm--puntahan mo na lang siya pero wag mo sabihin na sinabe ko okay?" nag aalinlangan turan ni Franco sa kanya. Medyo ang weird ng asta nito subalit hindi na lamang niya binigyang pansin. Tumalilis siya patungo elevator at tumungo sa room 705. Nang makita niya agad ang kwarto, huminga muna siya ng malalim bago kinatok ang pinto. Walang nagbukas. Kumatok muli siya. Wala pa rin. Sa pangatlong pagkakataon mas malakas na katok ang ginawa niya. Laking tuwa niya ng bumukas ang pinto at iniluwa si Danny. Thank god! Abot tenga ang ngiti niya saka walang pag aalinlangan niyakap ang nobyo. "Danny!--" malamyos niyang anas. "A-April?--What--hmm, why are you here?" nauutal na bigkas nito. Bahagya niya inilayo ang sarili sa nobyo. Hindi ba ito masaya makita siya? Kumunot ang noo niya ng mapansing wala itong suot na pang itaas. Naka boxer lang ito. Eto ang unang beses niyang nakita ang nobyo sa ganoon itsura. Hmm, sakto lang ang katawan nito, kahit walang abs ayos lang naman sa kanya. "I'm here for you!--hindi ka ba masaya makita ako?" biglang lumungkot ang boses niya, gusto lang niya magpalambing dito. Subalit hindi pa ito nakakapagsalita nang may yumakap sa likuran ni Danny at hinalikan ito sa labi. "B-Babe, sino ba 'yan?Tara na sa--" wika ng isang chinitong lalaki ngunit natigilan ito ng makita siya. Pero mas nagulantang siya. Hindi siya makapaniwala. Hinalikan ng lalaki si Danny. They are---oh no! Bakas sa mukha ng dalawa ang gulat, pangamba at pagkaasiwa. Hell no! "M-Mahal, let--me explain first okay?ano kasi--" balisang balisa ang itsura ni Danny saka hinawakan siya sa balikat at iginiya papasok ng room. Pinaupo siya ni Danny sa isang single sofa. Tumingin siya sa dalawa, parehas pa ang mga ito na naka-boxer. She bit her lower lips. She's trying to restrain herself from crying. "A-Are you gay?--" mabigat ang paghingang bigkas niya. Lumungkot ang mukha ni Danny saka lumuhod sa harap niya at hinaplos ang tuhod niya. Tumango ito. "Yes--I'm a gay. We're both gay--I'm sorry Mahal--I didn't mean to lie but--" "But why?!--bakit mo ko niligawan? For two years Danny! Ginawa mo akong tanga. Pinaasa mo ako! Bakit danny?" sigaw niya kay Danny. Now everything is cleared, kaya pala never silang naging intimate sa isa't isa. Kaya pala smack kiss lang ang halik nito sa kanya, kaya pala for two years kahit momol wala. God! I'm so stupid! Naiyak na si Danny sa harap niya habang tahimik na nakayuko ang chinitong lalaki sa gilid. "I'm so sorry Mahal--I used you. Ginamit kita para hindi malaman ni Daddy ang tunay na s*x orientation ko. He will kill me pag nalaman niyang bakla ako. Kaya niligawan kita--I'm really really sorry April. Sobrang takot ako kay Daddy once na malaman niya ang totoo." naiiyak na saad ni Danny. "Kailan mo balak sabihin sa akin 'to?" nagpunas muna ito ng luha saka umiling. "--to be honest, wala ako balak sabihin sa'yo hangga't hindi pa kami naka-kasal ni Jero. Balak namin magpunta sa US para doon ikasal." nakaramdam siya ng matinding galit. "What do you mean? Wala kang balak sabihin sa akin?So, ano ang balak mo?'bigla ka na lang mang iiwan ng walang pasabe? That's so unfair to me!" kuyom ang kamay na hiyaw niya. "I'm sorry." nakayukong saad nito. Pagak siyang natawa. Sorry lang? "I came all the way here--for you! I wanted to surprised you--I wanted to proposed to you. God!--I can't believed na grabeng surprised pala maabutan ko rito!" gigil niyang asik kay Danny. Kaya pala todo pigil sa kanya ng tadhana, ito pala ang dahilan. s**t! "We're really sorry--actually balak ka talagang seryosohin ni Danny. Pakasalan. You are a nice and sweet person. Pero--nang magkilala kami ni Danny isang taon na nakakalipas, we can't stop our feelings for each other. Maniwala ka--nagpigil kami pero hindi kinaya. Sana mapatawad mo kami." malungkot na saad ng chinitong lalaki. Ang sad ng life. Kadalasan kung sino pa ang magandang lalaki sila pa ang nagiging bakla. Ang masaklap pa, parehong gwapong bakla ang nagkakatuluyan. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "Let's break up--" malamig niyang sabi. Blanko ang mukha niya. Walang luhang pumatak sa mata niya. Bakit kaya? Bumakas ang gulat at takot sa mukha ni Danny. "No--mahal. Wag' muna ngayon. Please--magagalit si Daddy, ku-kuwestyunin niya ako. A-April please--" pagsusumamo nito sa kanya. Ngunit madiin siyang umiling. Tama na ang dalawang taon na ginawa siyang cover up, pinapasakay lang pala siya nito..puro plano ito sa future 'yun pala hindi siya kasama sa future nito.. hinubad niya ang necklace na bigay ni Danny at binalik dito. "Sayang--instead of itapon ko, babalik ko na lang para masangla mo pa. Let's end this relationshit--and don't ever talk to me again." matalim niyang wika saka nagmamadaling lumabas ng silid nito. Lakad takbo ang gawa niya ng makarating ng elevator. Nanghihina siya..ako na ang pinakamalas! Argh! Sumakay siya ng elevator at bumalik sa 20th floor. Pagkabukas ng elevator sa 20th floor, bumungad sa harap niya ang humahangos na si Noah. "For christ sake!--April, saan ka ba nagpunta? kanina pa ako hanap ng hanap sayo! Ang sabi ko antayin mo ko, wala ako sinabeng--" hinihingal na paasik na wika nito. Hindi na niya pinatapos ang iba pang sinasabe ni Noah. Mabilis siyang tumalon payakap sa binata. Yumakap din naman ito ng mahigpit sa kanya kahit alam niyang nabigla ito. "buhatin mo ko--please" parang batang demand niya kay Noah. Naiiling na sinunod naman nito. Binuhat siya ng binata pabalik sa magarang silid nito. Hindi pa rin siya natinag sa pagkayakap kay Noah kahit nasa loob na sila. Ayaw niyang bumaba. Kumakalma siya pag na-aamoy niya ang mabangong leeg nito. "Care to tell me what's happening?" malambing na tanong nito saka nagtungo sa kusina. Pinaupo siya nito sa kitchen island at mataman siyang tinitigan. She shake her head and shrug. "Nothing. Hinanap ko lang kanina si Danny--" nag-isang linya ang kilay ni Noah. "Andito sa Walsh Hotel ang boyfriend mo?" She nod and smile a bit. "Uh-uh. Nakausap ko na nga siya actually--" Bakit parang biglang nagdilim ang hilatsa ng mukha ni Noah? "Sa Walsh Corporate ba siya nagta'trabaho? I assumed nakipag-break kana sa tuod mong boyfriend." seryosong ani ni Noah. She sigh first. "Yes. Sa Walsh Food Corp. kaming dalawa ni Danny nagwo'work. Andito sila para mag-shoot ng bagong commercial." mahinang wika niya."--ang assuming mo, sa totoo lang" may konting pagtataray na dugtong nya. "Me? assuming?--Nah. I just know the fact that--" Noah brushes his lips into her lips softly. "--you like my kiss than him right?" He claimed her lips. Her eyes widened. Noah kiss her so eagerly. They kissed each other passionately until they both gasping with heavy breath. Oh saints! Noah really take my breath away. "See?--you are mine honey. Kung ako sayo, hiwalayan mo na ang boyfriend mo, kung hindi aagawin kita sa kanya." may diin na wika ni Noah. Nakaramdam siya ng kilig dahil sa sinabe nito. Alam na niya kung bakit hindi siya umiyak kanina. Marahil, alam ng sarili niya na unti-unti na siyang nahuhulog sa binata. Pero ayaw na niya muna magmadali sa pagpasok sa panibagong relasyon at saka hindi pa niya lubos na kilala ang binata. Matamis siyang ngumiti. "Bat mo naman gagawin 'yun? May gusto ka talaga sa akin?" nais lang nya malaman ang isasagot nito. "The moment--you sat down next to me--I think, I forgot to breath. You looked so damn beautiful--honey. I think I fall for you--" bakas sa mukha nito ang kaseryosohan. Nabigla siya. "That fast?--Ang OA!" paasik niya rito. "It’s not my fault that I fell for you, you tripped me!" pilyong ngumisi ito saka hinapit siya sa beywang. Hindi niya alam ang isasagot. Ang alam lang niya, sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Kaya naman ng siniil siya ni Noah ng halik, libo-libong kuryente ang bumalot sa buong katawan niya. Nagpaubaya lang siya sa binata. Nakaka-adik ang halik nito. Oh my! ?????????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD