Marahas nilang kinaladkad si Ramon mula sa van papunta sa building. He's still unconscious pero unti-unti na rin siyang nagigising. Hindi ko maiwasan ang maawa dahil sa pagkakahigpit ng hawak ni John at France sa magkabilang braso niya.
I mean, he's still my friend. There's no way I'd let them hurt him.
"Wait lang, dahan-dahanin niyo naman! Kaibigan ko yan!" hindi ko maiwasan na sabihin dahil hinayaan nilang mauntog siya sa pader. Napatingin ang lima sa akin. Napailing na lamang si John at hinila niya ang kaliwang braso ni Ramon kaya't nahila rin si France. Nauna na yung dalawa papasok ng building habang nasa labas lang kaming apat sa entrance ng building.
"Kakilala mo yon, Heaven?" nag-aalalang tanong ni Hanna sa akin. Tumango ako. Napailing yung isang lalaking parte nung limang FBI agents na hindi ko kakilala at nauna na siyang pumasok ng building. Natira na lang kaming tatlo.
"Shet, di nga? Kala ko nagbibiro ka! Sorry! Napalakas ata yung suntok ko sa kanya!" sabi ni Bee na mukhang sincere naman yung pagkaka-sorry. Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi, okay lang yon. I wish you wouldn't be too rough on him, though," sabi ko.
"Sorry, Heaven. But we're not the ones in charge of 'extracting information' from him. It'd be the Director himself. Pero kadalasan ay yung Executive Assistant Director ang nagha-handle non," sabi ni Hanna. The Executive Assistant Director? Sounds familiar.
"Gano'n ba? Sige, salamat na lang," malumanay na sabi ko.
"Puta, grabe noh. Kaibigan mo pala yon. Ang liit naman ng mundo, nyeta," sabi ni Bee na para bang nakiki-simpatya sa akin.
Gusto ko pa sana silang kausapin kaso nakita ko si Raphael na kumakaway mula sa loob ng building. "Sige, mauna na ko. Kitakits na lang tayo," sabi ko sa kanila bago tumakbo papunta kay Raph.
"You're back early. You can take a rest since bukas na ulit ang tuloy ng session mo," sabi niya at nginitian ako. Damn, kung di lang siguro matanda tong si Raphael, pinatulan ko na to. Lakas kasi ng appeal niya kahit na thirties na siya.
"Sure, old dude," biro ko. Napailing na lang siya, halatang ayaw niyang tinatawag siyang matanda.
"Ay oo nga pala, gusto mong i-tour kita? You haven't been toured around, aren't you?" suhestiyon niya. Umiling ako bilang kasagutan.
"Great!" Nagsimula na siyang maglakad papuntang elevator at sinenyasan niya akong sundan siya. Mabilis naman akong sumunod. Mamaya ay bawiin yung day-off ko sa training.
Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang pinakamataas na number. "Daan muna tayo sa office ko sandali," sabi niya.
"Nasa pinakamataas yung office mo?" nagtatakang tanong ko.
"Well, yeah. The whole Crime Division is," sabi niya na para bang dapat alam ko na yon. Bumukas yung elevator at nanlaki yung mata ko.
Damn. Ang lawak pala ng floor na to.
There are too many employees inside this place. Para silang nagkakagulo, pero tingin ko naman ay normal lang iyon sa kanila.
"Here," sabi ni Raph at sumunod lang ako sa kanya habang diretso naglakad. Sinubukan kong iwasan yung mga empleyadong nagmamadali at may mga hawak na papeles. Well, can't expect them to be nice and dandy kung si Raphael ang boss nila, right?
Nakarating na kami sa pinakadulo ng floor at pumasok sa isang kwarto si Raph. Pumasok rin ako. Halos lumuwa na ang mata ko nang nakita ko kung nasa'n kami.
Damn! There are too many exquisite weapons in here! Nainlove na ata ako sa lugar na to! There were twice as many weapons and firearms in here than Yin and Yang combined.
"Oh right! Natandaan ko na!" sabi ni Raph matapos niyang ma-amuse sa reaksyon ko. Pumunta siya sa isang sulok ng kwarto habang ako naman ay manghang-manghang pinagmamasdan yung mga iba't ibang baril.
Napatigil ako sa isang case na puro mga sniper rifles ang naroon. Kilalang-kilala ko bawat isa sa kanila. At habang tinititigan ko, mas lalo ko lang namimiss yung baby rifle ko. Dapat talaga sinama ko yun nung umalis ako mula sa organization.
Pero di pa rin ako makapaniwala sa lawak ng koleksyon nila ng mga baril. Are they even allowed to have these many weapons? I don't think so.
"Hey," tawag ni Raphael at natanggal yung atensyon ko mula sa mga sniper rifles. Napatingin ako sa kanya at halos lumuwa yung mata nung nakita kong hawak-hawak niya ang isang pamilyar na briefcase.
"Oh. My. Freaking. God,"mahinang sabi ko habang kumakalabog naman ang puso ko.
"Here. It's a bit rusty since we've got it years ago, but we can fix it," nakangisi niyang sabi habang natatawa sa reaksyon ko.
"Oh my god! Baby!" Hindi ko maiwasan ang mapahiyaw ng malakas. Inagaw ko sa kanya ang briefcase at kahit na maalikabok na ito ay niyakap ko ito ng mahigpit. "Damn, I miss you so much! Nakatadhana talaga tayo sa isa't isa!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.
Binuksan ko ang briefcase at parang natunaw yung puso ko. It's nice to see you again, dear friend. Binigyan ko ng maraming halik ang baril bago ito isarado.
"Thank you so much!" masaya kong sabi.
"No worries. Pasalamat ka at malakas ka sa'kin," sabi niya nang may pumasok na empleyado sa kwarto.
"Sir! Someone's asking for you!" sabi ng lalaki at napatingin siya sa akin.
"Oh, ok. Be right back, Heaven," sabi ni Raphael at sinundan ang lalaki palabas ng kwarto. Sinarado niya ang pintuan at naiwan ako dito sa loob ng kwarto na puno ng mga armas.
Maglalakad na sana ako palabas nang may narinig akong kalabog. Napatigil ako sa kinatatayuan ko at sinubukang makinig ng mabuti. It sounds like it was coming from . . . above? Wait, may mas mataas pa na floor kaysa rito?
I looked at the door and found out that Raph won't be coming back anytime soon. I started searching for a door or anything that looks suspicious. Medyo matagal rin akong naghanap since mukhang wala namang kakaiba sa kwartong ito. Until I saw it. Sa ceiling, mayroong taling nakasabit. Tumingin ulit ako sa pintuan bago ko hinawakan yung tali at hinila ito pababa.
It was like the stairs for an attic. Inakyat ko ang hagdanan at hinila ulit pataas yung hagdan.
That was the moment I looked around. Woah. There's like, a whole other room in here. Mukha siyang studio since everything's white. The walls, the ceiling, the floor. There was nobody around. At the end of the wide room, there was another door.
Nagsimula akong maglakad papunta roon. Nothing unusual in this room, though. I opened the door and instinctively ran towards Ramon who was lying on the floor, still tied to a chair. Napatingin ako sa paligid at napansin kong walang nagbabantay sa kanya. What were they planning to do to him? At sa itaas pa talaga ng weapon room.
Nang naramdaman niyang may papalapit ay takot na takot siyang lumalayo. He's blindfolded. Ok, I admit that would be scary. Dreading every minute that you're in this room because you have no idea what's gonna happen to you.
"Shh, Ramon. It's me. It's Heaven."
When he heard my voice, otomatiko na siyang kumalma. "H-heaven? Where the hell am I? Please, help me!" sabi niya habang nagmamakaawa. Ok, I really hate my good-side, but what the hell am I supposed to do? Leave my friend here to die? No way.
At isa pa, wala naman siyang kasalanan. It's his entire father's fault, not his.
Inuna ko munang tanggalin ang kanyang blindfold at parang dinurog yung puso ko when I saw his bloodshot eyes. He was crying. Damn, he must be so scared.
"Stay still," sabi ko at kinuha ang patalim ko na nakaipit sa pantalon ko. It's for emergencies. I cut the rope binding him to the chair with the small knife. Napatayo siya agad at balak sanang tumakbo papalabas kaso bigla siyang natumba. He's already weak.
"Wag kang maingay. I'm going to help you get out of here," sabi ko while I supported his weight. I slung his arm around my neck at tinulungan ko siyang maglakad. Para siyang lasing at hirap na hirap ako dahil mas maliit ang katawan ko kumpara sa kanya.
Lumabas kami mula sa pintuan at hinanap ko yung hagdanan. Tinulak ko ito pababa at muntikan ko pang mabitawan si Ramon dahil natutumba siya. Inalalayan ko siyang bumaba ng hagdanan at pinakiramdaman ang paligid. Nope, wala pa rin si Raph.
Otomatikong umakyat ulit ang hagdanan pagkababang-pagkababa namin. I looked around just to make sure na kaming dalawa lang ang tao rito.
"Here! Isuot mo to!" sabi ko nang nakita kong may uniporme ng mga agents na nakakalat. Hirap na hirap siyang isuot ito pero nagawa niya rin.
"Ok, keep quiet and keep your head down low, understand?" bulong ko. Tumango naman siya ng maraming beses.
"Let's go."
Sobrang kabado ako nang lumabas kami mula sa weaponry room. Pero mukha namang walang nakapansin sa'min dahil lahat talaga sila ay busy sa kani-kanilang mundo. There must be something big going on. Sa gilid kami dumaan at hindi sa gitna dahil mas kapansin-pansin kami kung doon kami dadaan.
Hindi ko alam kung paano nangyari pero nakarating rin kami sa elevator nang walang nakakapansin sa amin.
"Oh my god, that was freaking scary," sabi ko at malalim na bumuntong-hininga. Crap, saan na kami pupunta ngayon? There's no way na makakalabas kami through the front entrance without being seen.
Humarap ako kay Ramon na nakasandal. I grabbed his face and checked for injuries. "Good, hindi ka pa nila sinasaktan," sabi ko. Bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at napatingin ako sa mga mata niya. He's staring directly at me.
He suddenly leaned in for a kiss at mabilis akong umiwas. "Ramon, no! Dude, seriously? Your life is in danger right now! This isn't a time for jokes!" giit ko sa kanya. Napaiwas siya ng tingin.
"Thank . . . you," mahina niyang sabi.
All my fear came right back at me nang tumigil ang elevator sa 2nd floor. Holy crap, may sasakay! I tried my best to remain calm as possible pero ang lakas ng t***k ng puso ko habang dahan-dahang bumubukas ang pintuan ng elevator.
"Heaven, what the hell are you doing in here?" Relief washed through me when I heard his familiar voice.
"Riel! Thank god!" maluha-luhang sabi ko. Napatingin siya kay Ramon na itinatago ko sa likuran ko.
"Isn't that Ramon? What's he doing here?" nagtatakang tanong niya.
"Long story! Help me get him out of here please!"
Because of Andriel's help, I was able to get out of the FBI building with Ramon. I don't know what he did, but he just told me to head straight out of the front entrance and never look back. Dumiretso agad ako sa apartment room namin because Ramon suddenly fainted and I didn't have any choice.
Pinatulog ko siya sa kama ko while I prepared some food so he can eat when he wakes up. It was 10 in the evening nung bumalik si Andriel sa apartment.
"Oh my god, are you ok?" sabi ko at tinulungan siyang makaupo sa sofa.
"I'm fine. It's just a scratch," sabi niya nang nag-aalala akong nakatingin sa kanya. There was a huge bruise on his face.
"Tell me! Ano bang nangyari?" tanong ko habang pumunta ako ng kusina upang kumuha ng yelo.
"Nothing. It's nothing big, Heaven. Stop worrying. I won't die from a bruise," sabi niya. I returned with a cold compress for his bruise.
"Did they find out?" tanong ko.
"No. Everything's fine, Heaven. As long as you're safe." I watched how he slowly fell unconscious until he dropped down, asleep.