The police force was interrogating the hostages one-by-one to make sure that we've gotten everyone and no one escaped throughout the whole scene. Agad rin namang naisugod sa police station ang mga magnanakaw. Maigi ko silang tinignan para masigurong hindi nga sila 'yung grupo ni Gaster. Nung pwersahang tinanggal na ang masks nila, napahinga ako ng maluwag kasi lahat sila ay hindi pamilyar sa akin. "Good job, kiddo," nakangising sabi sa 'kin ni Raphael. "Oo nga! Nice shot, Heaven!" Biglang pinalo ako ng malakas ni Hanna sa likuran. Nakangiti siya sa akin. "Nice save." "Yeah, yeah." I dismissed their comments by waving a hand. "Walang anuman." "Sus, pa-humble ka pang leche ka!" pang-aasar ni Bee. Kakababa lang ni John mula sa pinanggalingan niya. Hindi niya ako pinapansin. Halos napaili

