Umiiyak akong lumapit sa kamang kinahihigaan ni Lyra. Parang pinipiga ang aking puso dahil sa matinding sinapit nito sa kamay ng taong hindi ko pa malaman kung sino. Hinihintay ko na magising ito ngunit dalawang araw na itong walang malay. Kumuha ako ng towel at binasa ko ng maligamgam na tubig, bago ko ipinunas sa mukha ni Lyra. Gusto ko ng magising ito upang malaman ko kung sino ang may kagagawan nito sa kan’ya at sinisigurado ko na pagbabayaran niya ng mahal ito. Gumalaw si Lyra at bahagyang umungol kaya mabilis kong pinindot ang emergency button. Mabilis namang dumating ang Doctor at ilang mga nurse, kaagad na sinuri si Lyra. Dahan-dahan itong nagmulat ng kan’yang mga mata ngunit hindi ko inaasahan ang naging reaksyon nito. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kawalan a

