Denice POV “Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa nakabukas na pintuan ng bumagsak ako sa sahig dahil sa pagbaon ng isang matulis na bagay sa aking binti. Namimilipit ako sa sakit habang umiiyak na sinikap kong makaupo, sa pagharap ko mula sa aking likuran ay bumungad sa akin ang nakangising si Safire habang humahakbang papalapit sa akin. “Sapalagay mo ba ay hahayaan kitang makatakas? Hindi pa tayo tapos maglaro dahil nagsisimula pa lang tayo...” ang nakangiti nitong sabi sa akin habang hindi kumukurap ang mga nanlilisik nitong mata mula sa pagkakatitig sa akin. Umurong ako paatras habang nakaupo sa sahig na bahagya kong hinihila ang isa kong binti kung saan nakabaon ang patalim. Basang basa na ng pawis ang buong mukha ko habang patuloy na umiiyak dahil sa matinding sakit na n

