Ang lahat ay napalingon sa entrance dahil sa pagpasok ng isang magandang babae, natigil sa kanilang ginagawa ang lahat ng empleyado at halos hindi na maalis ang kanilang mga mata sa mukha ng babaeng naglalakad sa lobby. Parang nakakita ng multo ang lahat ng naroroon, napakatahimik ng buong paligid at tanging tunog lang ng takong ng babae at mga yabag ng apat na bodyguard nito ang nangingibabaw sa lahat. Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nakikita habang pinagmamasdan ang babaeng nakasuot ng white long sleeve na bahagyang nakabukas ang botunes sa bandang dibdib at dark red mini skirt na tinernuhan niya ng Stiletto Heels na brown shoes. Wala man itong make-up at tanging lipstick lang ang kolorete sa mukha nito ngunit maslalo itong naging kaakit-akit sa paningin ng lahat dahil sa nat

