Lyra’s POV Dahan-dahan akong humakbang patungo sa puting kabaong kung saan nakahimlay ang katawan ng aking kapatid, walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha at sa bawat paghakbang ko ay tila napakabigat ng aking mga paa. Hindi ko lubos na matanggap ang katotohanan ng sabihin nila na patay na ang aking kapatid, ito na lamang ang nag-iisa kong pamilya at ngayong wala na ito ay hindi ko na alam kung paano ako magsisimula o kung pa’no ko ipagpapatuloy ang aking buhay. Labis kong sinisisi ang aking sarili dahil sa nangyari sa ate ko, kasalanan ko ang lahat, kung hindi dahil sa pagiging makasarili ko ay hindi malalagay sa panganib ang buhay nito at ako ang nagtulak sa aking kapatid sa kapahamakan kaya ngayon ay nakahimlay na siya sa isang puting kabaong. Inilibot ko ang aking paningin at

