Alexander POV Kasalukuyan kaming nandito ngayon ni Safire sa loob ng kwarto. Ipinagpaliban ko muna ang pagpasok sa opisina dahil sa mga nangyaring gulo. Natatakot akong baka sa sunod ay tuluyan ng may mapahamak, isa ‘yon sa dahilan kung bakit hindi ko inaalis ang aking paningin kay Safire baka mawaglit lang ako ay may masaktan na naman itong tao. Kaya kahit nasaan ako ay nando’n din ang dalaga hindi ko hinahayaan na mawalay ito sa akin. Katatapos lang ng isang mainit na tagpo sa pagitan naming dalawa, nakahiga ako sa mahabang sofa habang nakaunan ang aking ulo sa hamba ng sofa at nagchecheck ng mga email sa aking laptop. Nakayakap ang isang braso ko sa katawan ni Safire na nasa aking ibabaw. Payapa itong natutulog sa aking dibdib, pareho kaming hubo’t hubad habang ang aming mga ari

