“Goodmorning..” “Goodmorning din..” walang kagana-ganang tugon ko. Wala ba namang nangyari kahapon dahil bigla kaming binulabog ng daddy ni Shiena. He almost broke the door dahil sa sobrang lakas ng katok. Galit na galit dahil sa ginawa daw ni Hans sa anak niya. Kahit papano ay inaanak pa rin daw niya si Hans at kinakapatid daw nito si Shiena kaya kahit papano daw ay kailangan pa rin irespeto ang anak niya. Alam mo yung kung kelan handa ka ng isuko ang iniingatan mong perlas ng silanganan ay saka naman naudlot. “Not in the mood today?” Sabi pa niya na tila nang-aasar pa at umupo na sa tabi ko para mag-umagahan. “Not really. I felt like I want to sleep all day,” walang gana pa rin na sagot ko. Bigla siyang humalakhak kaya naman pinanliitan mo siya ng mga mata. “Anong nakakataw

