Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama. Nakatihaya lang ako habang nakatitig sa kisame. Pinag-iisipan ko kung anong pwedeng gawin ko. Okay naman ako sa singing pero okay rin naman ako sa dancing. Kaya lang, knowing club. Ibang sayaw ang ipapagawa nila sa’yo at hindi basta normal na sayaw lang. Kakatapos lang ng pag-uusap namin ni Hans. Binalak niya pang sumunod sa akin pero mariin akong tumanggi. Nagsinungaling pa nga ako. Sabi ko hindi na niya kailangan sumunod dahil kasama ko naman si mommy. Mabuti na lang talaga at nakinig siya. 10 o’clock ng gabi ang usapan namin na pupunta dun. Ayaw ko na rin ipagpabukas pa dahil baka mahirapan akong hanapin si Ate Alex ng umaga. Tumayo ako at hinagilap ang maleta ko. Ipinatong ko ito sa kama at inilabas ang mga damit na pwede ko g p

