Umupo ako sa sofa na narito sa aming silid. Patingalang ipinahinga ko ang aking ulo. Ipinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga ako. Nakapikit ako ngunit hinihintay kong tumunog ang pintuan, tanda ng pagbabalik niya rito sa silid. Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin siya kaya tuluyan ko na munang inihiga ang aking katawan. Tila ba ngayon ko lang tuluyan na naramdaman ang sobrang pagod at antok hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako ng tuluyan. Naalimpungatan ako sa paglundo ng sofa. Malambot itong upuan kaya bahagya rin akong gumalaw. I feel him. Alam kong naririto na siya sa tabi ko ngunit tinatalo ako ng sobrang antok at pagod ko. Naramdaman ko ang paggalaw ulit ng upuan. Alam kong tumayo siya. Akala ko ay aalis siya ngunit ang sumunod na nangyari ay

