Revelation: A dying message of a corpse. Karmy's Point of View Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Seeichi pero gaya ng inaasahan ay wala na siya sa paligid. Si bossing ang agad na rumispundi at tinawag ang mga security guards. Hindik na hindik naman ang aking mga kaklase. May napapasuka dahil kitang kita pa ang mga laman loob na nagkagutay gutay mula sa putol na katawan ng babae. May mga tila naestatwa at hindi makapaniwala sa nakikita. May nanginginig sa takot dahil first time nilang makakita ng ganito. Lumapit ako sa aquarium at tumapat sa nagpapalutang lutang na katawan. Katapat ko ang mukha ng biktima at doon ko siya nakilala. Ang babaeng nakausap ko kanina, si Aldrid Mae. May nakita akong sumisid at kinuha ang bangkay. Nagkalat na rin ang SOCO sa paligid. Pinaalis ang mga bata k

