Revelation: The calm before the storm. Karmy's Point of View Ang dating maraming tao na crime scene ay tahimik na. Hinihintay ko na lang na lumabas si Seeichi na kanina pa kausap si Razor at si bossing. Nasaksihan ko ang pagdilim ng kalangitan at ang pagdating ng mahinang patak ng ulan. Ramdam ko ang lamig ng hangin at amoy ko ang mabining bango ng natural na ulan. Malalaking sprinklers kasi ang nasa Underworld Realm City kaya medyo mas gusto ko ang natural na ulan na galing mismo sa kalangitan. Sakop na ng ulan ang aking atensyon kaya hindi ko napansin na dumaan sina Razor at bossing sa akin na busy na makipag-usap sa isa't-isa kaya hindi rin nila ako napansin na nakasandal at nakatayo lang sa isang tabi. Sinundan ko na lamang ng tingin ang kanilang papalayong imahe. "Ba't mo ko hinint

