Revelation: Explore, Analyse, Imagine, Unveil Karmy's Point of View Napahinto ang lahat kasama na ro'n ang tugtog na nagmumula sa orchestra. Ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa babaeng nakahandusay sa sahig at bumubula ang bibig. Hindi na kailangan pang maging henyo para malaman kung anong nangyari sa babae. Agad naman siyang dinaluhan ng faculty members. Kanya-kanya ng mga haka-haka ang mga nakakita. "Epileptic ba siya?" "Ewan? Pero estudyante na naman ba 'yan ni sir Temperence?" "Mukhang oo, andoon si sir nangunguna." Puro mga bulungbulungan lang sa paligid. Akmang ilalabas na ang pasyente nang biglang may natumba na naman. Nasa gawing kaliwa namin ni Seeichi. Isang babaeng nanginginig at bumubula ang bibig ang natagpuan namin katulad kanina. Mangiyakngiyak ang kaibigan ng babae

