Revelation: Your eyes are the greatest deceivers.
Karmy's Point of View
Matapos kong makumpirmang hindi nga suiside ang nangyari ay ang sumunod kong tanong ay, sino ang pumatay. Kung meron man akong dapat gawing suspect ay si Jian, ang boyfriend ni Jian, si Dustin at si Irah. Lahat sila ay may motibo. Gusto kong malaman kung sino ang pumatay, katunayan ay malapit ko nang malaman pero may isang tanong ulit na bumabagabag sa isip ko. Ano ang pakebels ko? Malayo naman talaga 'to sa hidden agenda ko pero naman! Nakaka-excite! Huling ramdam ko ng ganito ay noong last Taetoku Great War at hangga't wala pa akong lead sa dapat kong hanapin ay hindi naman siguro magagalit si bheshy kung makikirak na this ako 'di ba?
Lakad takbo ang ginawa ko. Nagbabounce naman ang fake boobs ko na grabe sa bigat, hindi na ako magtataka kung ako ang papalit sa kamapanerang kuba eh. Iisa lang ang tinutumbok kong lugar, ang chairman's office.
"Jusko! Bakit nga ba ako nag eeffort ng ganito? Ang sakit sa bangs."
D to the U to the H, duh? Curiosity nga 'di ba kaya panindigan. Akmang kakatok na sana ako nang mahagip kong nag-uusap ang mga babaeng tsismosa kanina. Nagpreno ako bigla at pasimpleng tumabi nang 'di nila namamalayan, halos bumula na ang mga bibig nito sa kakatsismis ey.
"Hay naku, nakakakilabot naman!"
"Akala ko santa santita 'yong Irah na 'yon!"
"Sshh! Hindi pa naman confirm, baka nga si Jian eh. Mas malaki pa ang chance 'di ba?"
"Ay nga naman, nagkaaway sila ni Artemis kaninang first subject."
"I know right. Pero 'di ba may mas malalim pang dahilan ang galit ni Jian kay Artemis?"
Lumapit na ako sa kanila, "Excuze me lang noh, ano pala ang chika niyo mga girls?"
Sabay naman silang napatingin sa'kin na may 'ikaw na naman' look. Nginitian ko lang sila, at ang isang tsismosa kahit 'di feel ang kachikahan ay tsismosa pa rin kaya parang sinabon ng panlaba ang bibig kung makakwento sa'kin.
"So 'yon nga miss, iniimbestigahan ngayon ang dalawang babae."
"Nasaan sila?"
"Sa police station malamang."
"Ang mga babae lang?"
"Yeah."
Aba't kung ihampas kaya kita sa floor bes? Gusto mo? Ngiting nakakainis ang binigay ko sa kanila bago tumalikod at bumalik sa room. Kinuha ko muna ang aking mga gamit bago tiningnan ang aking relos, one hour and thirty minutes before 5 pm. Keri pa.
Alam ko na, alam ko na kung sino.
Oo isa akong taong lumaki sa mundo ng kaharasan pero alam ko kung ano ang hustisya kaya dapat malaman kung sino talaga ang killer dahil kung hahayaan ko lang 'to, isang inosenteng buhay ang masisira.
Kahit naman wala akong pakebels doon ay mauuwi sa wala ang pagpapakapagod ko kanina noh. Bago ako umalis ng school may pinuntahan muna akong lugar, ang basketball court.
Sumalubong sa akin ang sagitsit ng mga spikes mula sa mga sapatos ng mga naglalaro ng basketball. As useless, dahil sa buhok ay napatigil ang lahat nang pumasok ako sa gym at tinumbok ang daan patungong basketball court.
"Kayo!" Turo ko kina Dustin at ng boyfriend ni Jian.
Napalingon naman sila sa akin ng sabay, nice.
"Nasa presinto mga girlfriends niyo." Walang lingun lingon ay umalis ako doon at nagsimulang tumakbo palabas ng school nang maabutan ko pa sila sa presinto.
Pero hindi ko inaasahan ang eksenang aking dadaratnan. Hindi na ako nagtaka kung bakit mas nauna pa sa akin ang dalawang lalake dahil may mga sasakyan ang mga ito o kung bakit nandito si bossing dahil siya naman ang adviser ng mga sangkot, ang ipinagtataka ko ay kung bakit nagwawala si Jian na hawak hawak ng mga pulisya. Gloomy naman ang mga mukha nila at walang nakakapansin na dumating ako kaya pasimpleng tumabi ako sa pinakadingding ng presinto.
Anong nangyayari?
"Mister Garcia, Miss Reyes at Mister Killian, kukunan muna namin kayo ng official statement."
Sa narinig ay tila nagwala naman si Jian. "Wala akong alam sa sinasabi niyo eh! I was framed! Babe, help me!"
Napapailing na lang ang mga pulisya sa loob ng presinto. I get it. What a nice plan.
Akmang magsasalita na sana ako nang may biglang pumasok na lalake sa presinto at inunahan ako sa pagsasalita. Ay epal.
"She's not the killer."
Sabi ko nga este sasabihin ko pa lang sana.
Sabay na nagsilingunan naman ang mga tao sa loob ng presinto sa nagsalita kabilang na ako doon. Isang lalakeng matangkad at medyo singkit na may alun-along buhok na tinalian sa likod ang bumungad sa aming paningin. Nakapamulsa ito at direktang nakatingin sa chief ng mga police. Tila naman bumukas ang langit para kay Jian dahil sa narinig mula sa estranghero at dumilim naman ng ilang segundo ang mukha ng killer.
Sino nga ba ang mag-aakalang sasabit pa siya gayong halos nasakatuparan na niya ang kanyang plano. Bumalik ako sa pagkakasandal sa dingding at matamang tiningnan ng pailalim ang lalakeng bagong dating.
Dahil curios ay napagdesisyunan ko nang hindi na magsalita, let's see what this guy got. Nagawa niyang sabihin ang mga salitang 'yon sa harap ng akusado at ng kriminal. Paano niya ito maipaglalaban kung nasa akin naman ang ebidensya?
O may isa pang ebidensya?
May nakalimutan nga ba akong mapansin?
"At sino ka naman?" Tanong ng chief ng mga police sa bagong dating.
"Transferee sa UMC at kilala ko kung sino ang totoong kriminal." Ah, transferee, kaya pala hindi naka uniform.
Nagulantang naman sina Irah, Dustin, 'yong boyfriend ni Jian at si bossing sa sinabi nito. Tumawa naman ang chief ng mga police.
"Imposible 'yan. May nakapagsabi ng witness."
" 'Yon na nga chief, hindi niyo man lang ba aalamin alin ang katotohan mula sa mga kasinungalingan?" Makahulugang tanong ng lalake sa chief ng mga police na nakpagpataas naman ng aking kilay.
"Sabihin na nating naniniwala ako, sino naman ang totoong kriminal?"
Para namang nainsulto ang lalake sa sinabi ng chief ng mga police dahil napadikit ang mga kilay nito.
" Nandito siya sa loob ng presinto at may pruweba ako."
Kung kaninong pagsinghap ang pinakamalakas ay hindi ko na alam, maliban sa akin, alangan namang sisinghap ako ey alam ko na kung sino ang killer, like d to the u to the h duh?
"Sino?"
"Siya." Sagot ng lalake sa chief ng mga police sabay turo sa kriminal na pang FAMAS na ang award sa acting. Gotcha!