Revelation: Escape is futile, I'll hunt you down even from the depths of hell. Karmy's Point of View Nasa kasagsagan pa ako ng paghahain nang parang may samaligno si bossing na pumanaog mula sa hagdan diridiritso papunta sa garahe. Ah hello? Nandito pa po ako? I guess maglalakad na lang ako ngayon. Tatlong linggo na ako namamasukan kay bossing at ang tanging masasabi ko lang na pagbabago sa pakikitungo niya sa akin ay ang simpleng tango lang. Dati matapos niyang kumain ay umaalis agad siya kaya daig ko pa si The Flash kung makatakbo sa kanya para lang makahitch pero ngayon ay tumatango na siya kapag aalis na siya. Oh 'di ba nag-improve! Base sa ekspresyon ni bossing bago siya umalis ay parang may emergency kaya umatake na naman si curiosity. Kinuha ko ang mini tablet ko na nakatago lan

