Revelation: Picking up the tattered wings is a hard task. Karmy's Point of View As useless nandito na ako sa sarili kong silid na matatagpuan sa loob ng palasyo na pagmamay-ari ng hari't reyna ng Realm. Sa ngayon ay himalang walang bisita na lubos kong ipinagpapasalamat. Noong bagong dating pa ako ay maya't-maya ang mga bisita at sa durasyong 'yon ay hindi nawala si bheshy na tahimik lang sa likuran. Ang huli niyang pagbisita sa akin ay kasama ang panganay niyang si Klen na dala-dala ang kinidnap niyang Olaf stuffed toy ko na ngayon ay katabi ko na rito sa malaking kama na inookupahan ko. Nakaupo ako sa aking kama nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang bulto ni bheshy. Speaking of the devil herself. "Gising ka na pala," saad niya habang tuloy-tuloy siya sa pagpasok hanggang sa

