Revelation: Define love... Karmy's Point of View "Nahuli niyo na ba?" Tanong ko sa mga reapers na inatasan ng Realm na dakpin si Temperence na nagtangkang tumakas ilang oras matapos ang digmaan na naganap sa harap ng syudad. Nasa loob ako ng Dungeon 'yon nga lang ay hindi ko tiningnan ang kinaroroonan ng mga nahuli. Nanatili akong nakasandal sa madilim na bahagi ng lugar at tahimik na nakikiramdam. Kontento na muna ako sa distansya namin ni Seeichi. Mabilis na nailigpit ang mga nagkalat na mga katawan ng tao. Nasa ilalim ng Dungeon ang mga lider ng Virgo Ops Organization kabilang na rito si Seeichi na mula nang mahuli ko ay hindi ko nakita. Sadyang tuso nga lamang si Temperence dahil nagpanggap itong binubugbog ng mga kasamahang preso pero patibong lang pala 'yon. Nagkataon namang ang m

