Revelation: Let me drown by your hate for I will not have regrets in this path. Karmy's Point of View Kinaladkad ako ng dalawang lalaki gamit ang aking buhok kaya hindi ko na halos magamit ang dalawa kong mga paa. Nagpadala na lamang ako sa agos ng pangyayari, kung ano man ang naghihintay sa akin sa 'chambers' na iyon ay alam kong puro pasakit lamang 'yon. Habang kinakaladkad nila ako ay naglakbay ang diwa ko sa pangyayari kanina kaya hindi ko maiwasang mapaluha. Kumakalat sa aking dibdib ang sakit ng nangyari kanina. Am I to suffer the same fate again? No, I refuse, I will never give up. Hindi ko namalayang naipasok na nila ako sa loob ng isang mailaw na silid. Dahil nasanay na ako sa dilim ng kulungan ay medyo masakit sa mata ang dami ng ilaw sa loob ng silid na tinatawag nilang 'cha

