Revelation: We chased our shadows eternally. And our shadows chased us. Karmy's Point of View Ang papalayong imahe ni Seeichi ang tanging natanaw ko. Hindi ko alam pero bakit tila gusto ko siyang habulin at magpaliwang. Like what the fudge? Nababaliw na ba ako? Hays, ganito siguro pag binibilang ko ang araw na wala si Olaf. Itinuon ko ang aking atensyon kay Wolf na nakangiti habang nakatingin sa akin. Hinihintay pa namin ang aming inorder na pagkain. "Magsimula ka ng magsalita Wolf." Hindi ko siya inasar, isang patunay na seryoso ako. Ang nakangiting mukha ni Wolf ay unti-unting napalitan ng kaseryosohan habang diritsong nakatingin sa akin. "Ang Virgo Ops Organization." Sa binanggit ni Wolf ay awtomatikong nawala ang iba kong iniisip at napatutok ang buo kong atensyon sa kaniya. "A

