Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaral para hindi ko maisip ang sinabi ni Harold. Isa pa, ayoko rin umasa. Hindi naman natin alam ang takbo nang utak ng isang tao. Puwede ngayon mahal ka, bukas hindi na. Iginugol ko lahat ng oras ko sa pag-aaral kaya mas madalang na lang kung mag-usap kami ni Emily. Hindi ko alam kung napapansin ba ni Harold na umiiwas na rin ako sa kaniya, pero mas mabuti na iyon. Pareho kaming nag-iiwasan pero wala naman sinasabi si Emily at nakahinga ako ng maluwag doon. Siguro hindi niya napapansin na ganito kami ni Harold dahil busy siya saka kahit matagalan pa ito ay ayos lang sa akin, pero doon ako nagkamali. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita kong sumusundo sa akin sa labas ng school. Nakasandal siya sa kotse at diretsong nakatingin sa akin. Iba ang kotse

