Napapitlag ako nang may tumapik sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Natulala ka na riyan, may sinabi ba akong mali?” tanong niya. Umiling agad ako at ngumiti. “Wala, may naalala lang ako.” “Sino? Boyfriend mo? Bigla ka kasing nalungkot.” Mariin siyang nakatingin sa akin. Napansin ko ang pagdating ni Emily kaya hindi na ako sumagot. Hindi na rin naman siya nagsalita pa at pareho na lang namin inabangan na makalapit si Emily na mayroong dalang envelope. Umayos ako ng upo at hinintay siyang lumapit. Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. “Nanalo ka ba sa lotto at wagas ka kung makangiti?” Pambabasag ni Harold at sinabayan pa ng halakhak. Sinamaan siya ng tingin ni Emily at saka inirapan. Napailing na lang ako sa kanila. Na

