“Congratulations ulit!” Bungad ni Emily pagpasok namin sa loob ng bahay. Pero ipinagtaka ko ang mga bag na nasa sala. Kanino kaya ang mga ito? May aalis ba? “Thank you,” sagot ko, pero ang mga mata ko ay nasa mga bag pa rin. “Kanino ang mga bag na ito?” tanong ko. Nilingon ko si Emily habang nilingon naman niya si Harold na naglalakad papunta sa kusina. “Kay Harold? Bakit, saan siya pupunta?” tanong ko ulit. Nagtataka siyang tumingin sa akin. “Hindi niya ba nasabi sa iyo?” Pagbabalik ng tanong ni Emily. Umiling agad ako. Walang akong alam na aalis pala siya. Bumalik si Harold na may dalang tubig na malamig. Iinom sana siya pero natigil sa ere ang pag-inom niya dahil nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin. Tumaas pa ang isang kilay niya. “Bakit ganiyan kayo makatingin sa akin?” t

