After lunch, niyaya ko si Emily na puntahan namin ang coffee shop nila. Hindi naman siya tumanggi at sinamahan agad ako. Hindi naman sobrang layo sa bahay nila kaya mabilis lang namin napuntahan. Pagdating doon, napa-wow agad ako. Pumasok kami sa loob medyo malaki siya, may eight tables then glass wall. Sa labas ng glass wall ay mayroong naghanay na mga bulaklak, na nagpadagdag sa ganda ng paligid. The ambiance is so relaxing. Pumasok kami sa kusina at kumpleto na lahat ng gamit para sa pagbe-bake ko, as in, staff na lang kulang then ready to serve na. Mayroon din isang maliit na stage, iyon siguro ang puwesto ko kapag kumanta na ako. Medyo kakaiba ito para ibang coffee shop dahil ngayon lang may kantahan ang isang shop. “Wow, ready na pala talaga ito.” Hindi ko na napigilan sabihin. “

