Napangisi ako nang makita ko kung paano siya mapaatras at magulat nang makilala ako. Parang hindi siya makapaniwala na ako ang kaharap. “L-let’s go, Hanz.” Tumalikod ito at iniwan si Hanz. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa mawala na siya. Nilingon ko si Hanz sa tapat namin at mariin lang siyang nakatitig sa akin. Napagmasdan ko rin siya. Malaki na ang ipinagbago niya, sa pananamit niya at pagsasalita. Gusto ko siyang sumbata sa pang-iiwan niya noon sa akin pero alam kong useless na rin iyon. Nangyari na ang mga ito at hindi na maibabalik pa ang dati. “Hanz! Halika na! Wear your shades.” Napalingon ako ng bumalik si Denise at hinawakan sa kamay si Hanz. Sumunod lang ito at sabay silang umalis. Pinagmasdan ko silang naglalakad palayo at hindi ko inaasahang masasaktan ako sa mak

