“Goodmorning, class. Nasaan ang transferee?” tanong ni Ma’am Villareal. Nagtaas agad ako ng kamay kaya tumingin sa akin ang mga kaklase ko. Medyo nailang ako pero kay Ma’am Villareal lang ako nag-focus. “Come here and introduce yourself.” Tumango ako at tumayo saka naglakad papunta sa unahan. “G-good morning, everyone. I am Raia Nicole Reyes. Eighteen years old. Sana po maging friends tayong lahat. Thank you!” Kinabahan pa ako pero nawala rin iyon kinalaunan. “Okay, you may now take your seat. I’m Almira Villareal. I’m your adviser. Sa mga lessons na nahuli ka, puwede ka manghiram sa mga classmates mo ng notes para makahabol ka.” “Opo.” Ngumiti lang si Ma’am at saka nagpatuloy na sa discussion. Nakangiti lang ako sa buong klase. Ang sarap sa pakiramdam na nag-aaral na ulit ako. Nakik

