MAAGA pa lang nasa coffee shop na ako para sa ribbon cutting, dahil eight in the morning daw iyon gaganapin. Hindi muna nagpunta si Emily sa CN21, siya kasi ang kailangan para mag-cut ng ribbon dahil siya ang anak ng may-ari ng shop na ito kaya hindi siya puwedeng mawala. Pero iniwan ko na siya sa bahay dahil kanina pa ako narito. Okay na lahat ng tables. Mayroong halaman bawat mesa at ribbon. May mga nagawa na rin kaming cupcakes and ready to serve na rin ang coffee. May mga balloons na rin, pati sa b****a ng pintuan mayroon na rin. “Sure kayo wala nang nakalimutan?” tanong ko sa staff. Tumango sila habang nakangiti. “Opo, Miss Raia. Magpalit na rin po kayo dahil malapit na rin po mag-alas otso,” sambit ni Mae. Isa sa crew ng shop. Napatingin ako sa suot ko at naka-apron pa pala

