Chapter 13

1480 Words

Nakaupo ako sa sofa habang hawak ang cellphone na nasa loob pa rin ng kahon. Hinihintay ko si Harold dahil nagpaalam siyang maliligo muna. “Sorry, medyo natagalan.” Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siya. Naglalakad palapit sa akin. Nakasuot ng gray short at maroon plain t-shirt. Ngumiti pa siya kaya mas lalong bumagay ang porma niya. Hindi talaga maitatanggi na guwapo talaga siya. Ngumiti ako pabalik sa kaniya. “Okay lang,” sagot ko. Umupo siya sa tabi ko kaya ibinigay ko ang cellphone. Sinimulan niya iyon tanggalin sa loob ng kahon at binuksan ang cellphone. Lumabas ang brand ng cellphone. “Madali lang naman ito dahil ang mga apps na mismo iyong pipindutin mo, kumpara sa keypad.” Tiningnan ko ang cellphone at nakita ko ang mga apps na tinutukoy niya. “Oh, hawakan mo tapos ituro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD