Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang bumabyahe kami pabalik ng Manila. Maaga kami umalis at doon na lang daw bumawi ng tulog. Pero natutulog na si Emily sa byahe habang si Harold ay busy sa pagpipindot sa cellphone niya. Nagpakawala ako ng isang buntonghininga. Dahil doon ay naagaw ko ang atensyon ni Harold. Binitiwan niya ang cellphone at tumingin sa akin. Magkakatabi kasi kaming tatlo sa loob ng sasakyan, sa kanan ko si Emily, sa gitna ako at sa kaliwa ko naman siya. “Are you okay?” He asked. Ngumiti ako para ipakita na okay lang ako. “Of course, I’m fine.” “Medyo mahaba pa ang byahe, matulog ka muna,” saad niya. Tumango ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan akong tangayin ako ng antok. Naramdaman kong may mahinang

