**Ella's POV** "Mga sir, ma'am, ano po bang problema dito?" seryosong tanong ng isang pulis sa amin. "Sir, 'yang lalaking 'yan, bigla-bigla na lang huminto kahit wala pa 'yong stoplight kaya nabangga ko po ang likod ng sasakyan niya," sagot ko sa pulis sabay turo kay Mr. Bwesit. "Ang mabuti pa, sa presinto natin ito pag-usapan, ma'am, sir, dahil nakakaabala po tayo sa ibang tao. Sakyan niyo na rin ang mga sasakyan niyo at sumunod kayo sa amin," wika ni sir pulis. Wala na kaming nagawa kundi sumunod sa presinto. Naka-upo kami ngayon sa harap ng desk table, kaharap ko lang naman si Mr. Bwesit at si Mr. Baliw. Na-detalye ko na rin sa pulis ang nangyari, pero si Mr. Bwesit ayaw pa rin magpatalo at nanghingi pa ng CCTV footage. Nasa harap kami ngayon ng desk para panoorin ang nangyari, ku

