**Ella's POV** Friday 7:20 PM. Nasa tapat ako ng malaking mall dahil may pumara kasi sa akin na pasahero na babae. Binuksan ng pasahero ang pinto ng front set at doon ito naupo dahil mag isa lang naman siya. "Ma'am san po tayo?" Tanong ko sa pasahero ko at napansin ko na mukhang malungkot ito. Tumingin ito sa akin mula paa pa akyat sa aking mukha. Maya maya pa ay nagsalita na ito. "Babae ka?" Tanong nito sa akin, nagulat naman ako dahil sa tanong nito. Ano ba sa tingin nya hindi ba halata nito na tomboy ako? nakasuot ako ng uniform may tatak sa kanan dibdib na (SANTOS TAXI DRIVING) pulo ang style ng uniform ko at naka bukas lahat botones nito dahil naka white t-shirt naman sa loob, at simpre naka sumbrero ako ng black na nasa likod ang harap ng sumbrero. As usual ganon kasi talaga ako m

