**Ella's POV** 8:00 in the morning Kakatapos ko lang maligo. Ngayong araw na ito ang punta ko sa condo ni Mr. Bwisit. Labag man sa loob ko ang pumunta doon, wala akong magagawa dahil may kailangan akong bayaran sa kanya. Nagpaalam na rin ako kay lola at iniwan ko siya kay ate Letlet. Ang alam ni lola at ni ate Letlet ay may nasira lang sa taxi na pinapasada ko at kailangan ko itong ayusin. Sinabi ko rin na hindi ako makakapasada dahil walang bakanteng taxi. Buti na lang kahit paano ay may ipon ako galing sa mga nakaraang raket ko, kaya sa ngayon ay wala pang problema sa pera. Pero hindi naman puwedeng umasa lang ako sa ipon ko dahil mauubos din iyon. At lalong hindi ko puwedeng galawin ang ibang ipon ko dahil nakalaan iyon sa pagpunta ko sa Quezon Province para hanapin si Nica. May pan

