Napatingin si Jose sa labas ng bintana at napagtantong nagsisimula na ang pagsikat ng araw. Wala na ring ulan at malakas na hangin sa mga oras na iyon. Sinilip niya ang cellphone at alas sais na rin ng umaga. Napatingin siya sa dalagang mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang tabi, habang nakayakap sa kanya. Wala man lang pag-aalala ito sa sarili na baka masama siyang tao. Pero napangiti talaga siya sa tiwalang ipinapakita nito sa kanya. Sabagay, wala naman siyang masamang balak sa dalaga. Bagkus ay ang nais niya ay ang lahat ng makakabuti dito. Mas isiniksik pa ni Neri ang sarili sa kanyang katawan. Kaya damang-dama niya ang init ng katawan at braso nitong nakayakap sa kanya. "Hay naku, ang batang ito talaga," aniya at dahan-dahang inalis ang kamay ng dalaga sa katawan niya. Tinabihan

