VERONIKA'S POV: "Nag-alala ako sa'yo, akala ko iniwan mo na talaga ako," sambit ni Nic, habang nakahawak sa magkabilaan kong pisngi. "Akala ko talaga hindi mo na ako tatawagan," saad niya pa na tila nalulungkot. "Hindi ko naman gagawin 'yon. Lumayo man ako, hindi naman iyon permanente. Ginawa ko lang talaga iyon dahil ayokong mapahamak tayong dalawa," paliwanag ko sa kanya. "If that happen again, sabihan mo muna ako para hindi ako nangangamba," sambit niya, sabay halik sa aking labi. "Hoy, lovebirds! Gabi na, masama sa buntis ang magbabad sa labas sa gabi!" sita ni Teklay sa amin, na ikinalaki ng mga mata ko, kaya mabilis akong kumawala sa pagkakayakap ni Nic. Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at hinila papasok sa loob, ngunit kaagaran siyang huminto nang tila may naalala. "Saglit

