VERONIKA'S POV: Bago pa kami makarating ng bahay ay parang nahihilo na ako. "Are you okay?" tanong ni Nic nang makababa kami ng sasakyan. Marahan akong tumango, bago sumagot, "medyo parang sumakit lang ang ulo ko." "Uminom ka na ng gamot para hindi lumala," aniya. "Ihahatid lang kita sa room mo, tapos magpapahinga muna ako," paalam ko na tinunguhan niya naman. Matapos ko siyang maihatid ay mabilis akong nagpunta sa kusina para uminom ng paracetamol. Nang makainom ay nagderetso na rin ako sa silid ko. Hindi ko na inintindi kung hindi ako makapagshower o makapagpalit ng damit, dahil parang tumitibok ang ulo ko sa sakit, at kailangan ko na ang kama. Akala ko kinabukasan ay gagaan na ang aking pakiramdam. Ngayon ay sobrang sakit ng aking katawan, at para akong lalagnatin. I can't even

