Ang balak ni Cassie, bumalik din sa US after ng kausapin si Blue pero ganun na lang ang gulat niya ng makita ang Ninong Sky niya kasama ang Ninong Dwight niya na magkasama kasunod dumating ang papa niya na nasa likuran lang pala ng mga ito. At nakita sila ni Blue na magkasama. Inulan sila ng tukso ng Ninong Sky niya na sinakyan pa ni Blue kaya lalo ng lumala ang sitwasyon ang ending hindi siya pinayagan ng ama na bumalik ng US agad. At ngayon umagahan isang bisita ang hindi niya inasahan na magiging bisita nila sa mansion ng magulang niya. Okay lang sana na dun siya mag stay sa bahay nila kung nandun ang baby niya pero nasa Palawan ito kasama ng yaya, bilang parusa sa kasinungalingan niya. Pinag bawalan siya ng magulang niya na makita ang anak niya sa loob ng 1 year pero hindi naman siy

