"F**k! Hindi nga!" bulalas ni Jauncho na nagulat sa sinabi ni Cassie inis naman na pinag susuntok ni Cassie ang balikat nito na napapangitbit lang. "Napa-OA ng reaction mo! Sigaw mo pa ng marinig ng parasite." inis na wika ni Cassie na napalingon sa loob ng bahay. Inamin na kasi niya kay Jauncho ang totoong sekreto niya na kung sino ang ama ni Kaizer. "Pero hindi nga paano nangyari?" "Gusto mo ba idetalye ko pa sa'yo paano na bubuo ang isang bata?" mariin na tanong ni Cassie na ikinangiti naman ng kaibigan na napakamot ng ulo. "Pero ano bang gusto mong gawin ko?" "Kunin mo yung buhok na kinuha ni Blue kay Kai, palitan mo ng ibang buhok. Lagay mo buhok mo," "Ayaw ko nga baka madiskubre ko pa na ako pala ang nawawala niyang kapatid.. lalo pat ramdam na ramdam ko na magkamukha kami... s

