"So here’s the breakdown, legal eagle. Full floral arch, suspended glass chandeliers sa reception, imported linen for the tables, and this wall— show mood board na puno ng 3,000 fresh Ecuadorian roses sa gitna niyan kayo mag ki-kiss." tiningnan ni Blue ang mga pinakikitang draft ni Raine habang nasa shop siya nito para sa wedding preparation meeting upang i-finalization ang lahat sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Cassie. "Raine, kasal ko to sa totoo lang, hindi libing. Bakit parang gusto mo akong ilibing sa gastos?" tumarak naman ang mata ni Raine na umirap habang napapangiti naman. "Excuse me? That’s not gastos. That’s grandeur. Gusto mo ba ng wedding na mukhang Christmas party sa homeowners’ association ni Tita Baby sa Phase 3?" kumunot naman ang noo ni Blue. "Sino naman Tita Baby?

