Napalingon si Cassie ng bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Blue na alanganin na ngumiti na mukha pang kabado. Tumingin lang naman siya rito. Past 12am na ngayon lang ito naka-uwi simula ng sumunod ito sa hospital para kay Bella. "Bakit gising ka pa?" "Buhay pa ba?" balik tanong niya rito. "Inintay ko pang dumating ang parents niya kaya hindi agad ako naka balik, sorry." wika pa ni Blue. "Bakit umuwi ka pa, mukhang nag-aalala ka sa freny mo." inis na tugon naman ni Cassie na sinundan ng tingin si Blue habang nag huhubad ito ng damit at pumasok ng banyo. Bumaba naman ng kama si Cassie at sumunod sa banyo pero hanggang pinto lang siya. "Sana hindi ka na lang umuwi para naman_____." "Hindi ko lang siya maiwan dahil inayos pa ng mga pulis ang statement namin walang ibang dahilan.

