Panay ang buga ng hangin ni Cassie habang nakahiga sa isang malamig na silid ng isang OB-gyne para sa follow-up checkup niya after 6 months of giving birth. Ngumiti naman ang dalaga ng sa wakas pumasok na ang OB na hinihintay niya na pumasok sobra na siyang giniginaw sa sobrang lamig ng clinic nito. Idagdag pa na naka lab gown siya at walang suot na underwear. "Hello Cassie, how are you?" bati pa ng doctora na nakangiti habang nakatingin sa hawak na chart niya. "I'm doing good doc." ngiting sagot naman ni Cassie. "So, how’s baby Kaizer? Six months already, right?" tanong pa nito na naupo na sa paanan niya at inutusan siyang ibuka ang mga hita na ginawa naman niya. "Yes, very active now. He’s trying to crawl every chance he gets." masayang kuwento ni Cassie, sa kuwento at mga video lang

