"You really think... it was you who did the attracting?" Biglang tanong ni Blue after umalis ng doctor at nurse na tumingin rito at sabihin na puwede na itong umuwi. Kaya agad naman itinawag niya sa Pilipinas na uuwi na si Blue na ikinatuwa naman ng pamilya nito. Napalingon naman si Cassie kay Blue at nahiwagaan na napatingin rito. Kung magsalita ito ngayon ay parang ang dating Blue na kilala niya, yung timbre at tono yung Blue na parang walang amnesia. Yung tipong naroon yung yabang at authority nito na parang nasa loob itong courtroom. Medyo napalunok siya na humalukipkip na humakbang papalapit sa kama ng binata. "You’re saying it wasn’t?" "I’m saying... maybe I was the one manifesting you all along." Medyo nasamid si Cassie na tumawa ng pagak, pilit na pinipigil ang kilig na biglan

