CHAPTER 3

1773 Words
MAHIGIT thirty minutes na hinintay ni Darlene ang nobyong si Blake sa airport. Papunta na raw kasi ito. Nang mabasa niya ang mensahe nito na nasa labas na ito ay nakaramdam siya nang tuwa. Tumayo siya kapagkuwan, at hinila ang maleta. Sasalubungin na lang niya ito. Nakakailang hakbang pa lang siya nang matanaw na nga niya ito. Hindi na siya nakatiis at niyakap niya ito nang mahigpit pagkuwa’y hinalikan sa labi. Hindi niya maiwasang mapakunot-noo nang bigla nitong tinapos kaagad ang halik niya. Dati-rati naman, hindi. Marahil, pagod si Blake. Galing pa kasi ito ng opisina nito. Mayamaya ay iginiya siya nito papunta sa sasakyan nito. “Sa bahay tayo magdi-dinner, hon. Nagluto si Mama.” Ipinagbukas siya nito ng pintuan ng sasakyan nito. “Talaga? Gusto ko ‘yan! Nakaka-miss din ang mga luto ni Tita, hon,” malambing na sabi niya sa nobyo. “Yeah. Me too. Ang tagal ko ba naman sa Italy.” Ngumiti ito sa kan’ya bago isinara ang dahon ng pintuan ng sasakyan nito. Sinundan niya ng tingin nobyo. Pakiramdam niya may nagbago sa dito. Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ni Blake. Isang tanong at isang sagot lang ito sa kan’ya habang nagmamaneho pauwi ng bahay ng mga ito. Napangiti siya nang mapakla. Itinuon na lang din niya ang paningin sa labas. Nakaka-miss din pala ang Pilipinas kahit na papaano. Tutal hindi naman gaano nagsasalita ang nobyo. Ipinikit niya ang mga mata at nagkunwari’y siyang tulog. Napakuyom siya ng ngipin nang bumalik sa balintataw niya ang nangyari sa kan’ya sa Italya. ‘Yon ang pinaka-rason niya kung bakit umuwi siya ng Pilipinas at tinanggihan na lang offer sa kan’ya sa US. Gusto na niyang i-advance ang isip. Ang laki ng posibilidad na mabubuntis siya. Ayaw niyang mapahiya sa gitna ng training kaya hindi na niya itinuloy. Paano kung sinadya pala iyon para hindi na siya matuloy sa US? Ang daming nai-inggit sa naabot niya. Iniisip niya din ang posibilidad na may kinalaman ang ibang kasamahan niya sa agency. Pero wala siyang matibay na ebidensya. Kung hindi lang siya palaban, baka matagal na siyang wala sa agency. Pero nanghihina siya kapag naiisip na sinamantala siya ng mga ito. Hinanapan talaga siya ng butas para hindi matuloy sa US. Hindi niya namalayan na hinayon siya ng sarili na makatulog. Nagising na lang siya sa sunod-sunod na tapik. Si Blake iyon. Inilinga niya ang paningin, nasa mansion na sila ng mga Hernandez. Napangiti siya nang makita ang ama at ina ng nobyo na papalabas. Wala pa rin talagang pinagbago ang mag-asawa. Ramdam pa rin niyang welcome siya sa bahay ng mga ito. Nakaramdam siya nang tawag ng kalikasan kaya pinapasok siya kaagad ni Blake Kent sa k’warto nito. Doon siya umihi. Pero hindi niya maiwasang matigilan nang makarinig nang may tumutugtog. Hanggang sa paglabas niya ng banyo ng silid ng nobyo ay dinig niya ang tunog ng piano. Napakunot siya ng noo nang mapansin si Blake sa pintuan ng silid na iyon, kung saan naroon ang tumutugtog. Dala nang kuryosidad, nakisilip siya. Naroon rin pala ang mag-asawa. Binalikan niya ang mukha ni Blake na titig na titig sa babaeng nasa harap ng instrumento. Hindi nito napansin na nasa tabi na siya nito. Mayamaya ay huminto ang babae sa pagtipa ng piano, at hinarap ang mag-asawa. Doon lang siya napansin ng nobyo. Nagulat pa ito nang tumingin sa kan’ya. Sumandal pa ito sa pader at ngumiti sa kan’ya kapagkuwan. Nginitian na lang din niya ito pero mapakla. Nakaramdam siya nang inis kaya nauna siyang umalis, kasunod ng katulong na mula din sa loob. Pero hindi maalis sa isipan niya ang paraan ng titig ng nobyo sa babae kanina. Kung wala lang sa harapan nila ang ibang katulong, baka lumapit na siguro si Blake para pagmasdan ang tumutugtog. Dahil sa nangyari sa k’warto kanina, hindi na niya tinigilan nang tingin ang babae kahit noong nasa komedor na sila. Sekretarya pala ito ni Blake. Hindi rin maikakailang close na close ito sa mag-asawa. Mukhang umiiwas lang makipag-usap si Blake dahil nandoon siya. Pero minsan nahuhuli niyang nagtitinginan ang dalawa, kaya minsan napapasingit siya sa usapan ng mga ito. Nakaramdam siya ng sobrang inis kaya kaagad na niyaya niya si Blake na umalis na. ‘Kaya ba nalibang magtrabaho ang nobyo, dahil may magandang sekretarya ito? Sabi ni Blake, baka isang linggo lang ito sa kompanya, pero bakit lagpas na?!’ Gusto niya itong komprontahin pero isinantabi na lang niya muna. Pagod na siya, gusto niyang magpahinga. Wala silang imikan ni Blake hanggang makarating ng condo nito, which is unusual. Kakatapos lang niya mag-shower nang makitang lumabas ito papuntang veranda. May kausap ito kaya nauna na siyang nahiga. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kakahintay sa nobyo. Hindi niya alam kung nasaan si Blake dahil nang magising siya nang madaling araw, wala ito sa tabi niya. Hindi niya maiwasang magduda kay Blake lalo na nang mga sumunod na araw. Minsan ang lalim ng mga iniisip nito pagkauwi galing ng opisina nito. Hindi siya magaling sa hulaan, pero sa tingin niya may kinalaman si Kendra, ang sekretarya nito. Nakumpirma niya iyon nang hindi sinasadyang maka-double date nila ito kasama si Dave. Kita niya sa mga mata ng nobyo ang paghanga nito sa sekretarya. Hindi siya manhid at lalong hindi siya bulag. Nasasaktan siya sa pinapakita nito. Hindi man lang nito inisip na naroon siya. ‘May something talaga kay Blake at Kendra!’ Simula nang dumating siya ng Pilipinas, wala pang nangyayari sa kanilang dalawa. Ilang araw pa lang naman pero ramdam niyang ilag na ito sa kan’ya. ‘Tingnan mo, nagyaya nang umuwi nang umalis na si Dave at Kendra!’ Hindi niya maiwasang sumama ang loob kay Blake hanggang makauwi. Nagkunyari pa siyang tulog habang ito ay abala sa laptop nito. Umiinom din ito ng alak. Panay din ang tingin nito sa telepono nito pagkuwa’y sa kaniya. Sa tingin niya pinapakiramdaman siya nito. Napapikit siya kapagkuwan para ipanatag ang isip. Dagdag pa sa isipin niya ang problema ngayon kay Blake. Hindi siya nakatiis magmulat nang marinig ang pagbukas ng closet ng binata. Sa tingin niya nagbibihis ito. Hindi nga siya nagkamali. Nakabihis na ito nang lumabas ng walkin closet nito. Bigla siyang napapikit ulit nang tumingin ito sa gawi niya. Mayamaya ay narinig niyang sumara ang pintuan ng silid nila. Doon na siya napaupo sa kama. ‘Saan ito pupunta ng ganoong oras? Sa ZL Lounge?’ Dala ng kuryosidad, sinundan niya ang nobyo. Lumabas ito ng condo nito. Hindi na siya nagbihis dahil baka hindi niya maabutan si Blake sa ibaba. Tanging mahabang coat ang bumabalot sa pantulog niyang nighties nang sumakay ng taxi. Nagkasuot din siya ng comhats dahil baka may makakilala sa kan’ya. Napakunotnoo siya nang huminto ito sa isang hindi naman ganoon kagarang condominium building. ‘Sino ang dadalawin nito doon ng ganitong oras?’ Ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang bumaba siya sa taxi. Papasok na ang binata sa building. Hinintay niyang makasakay ito ng elevator bago siya lumapit sa reception area. Mukhang malinis naman ang lugar. Maliit lang din ang reception desks na naroon. “H-Hi!” aniya sa babaeng naka-upo. Nagkakape ito. “Hello, Ma’am! Good morning!” Napatingin siya sa relong pambisig. Madaling-araw na nga pala. “Ahm, good morning din. Tanong ko lang kung umalis ba si Kendra? May ihahatid kasi ako sa kan’ya. Nandiyan ba siya?” Napalabi siya sa tanong. Hindi niya alam ang apelyido nito. ‘Kaya, bahala na.’ Sana hindi mahalata ng babae na hindi sila magkakilala ni Kendra. “Opo, nandiyan po, Ma’am!” Napahawak siya sa island counter na naroon nang marinig ang sinabi ng babae. Humigpit pa ang pagkakahawak niya doon. ‘Si Kendra nga ang pinuntahan ng nobyo niya! Pero bakit?’ “S-salamat po,” aniya at tumalikod na. Naka-dalawang hakbang pa lang siya nang maalalang hindi niya alam ang numero ng unit nito. Bumalik ulit siya. “Ay, miss! Anong number nga po pala ng unit ni Kendra? Nakalimutan ko kasi,” palusot niya. Ngumiti siya sa babae nang sumagot ito. Dali-daling inihakbang niya ang mga paa at tinungo ang elevator. Pinindot niya ang button kung saan naroon ang unit ni Kendra. Kabado siya habang nakasakay sa elevator nang mga sandaling iyon, lalo na nang makalabas siya ng elevator. Napahawak siya sa dibdib nang matanaw si Blake sa tapat ng unit ni Kendra. Kita niya rin ang kalahating katawan ni Kendra sa may pintuan. ‘Confirmed!’ Pakiramdam niya binabayo ang puso niya nang saksak nang mga sandaling iyon. ‘Paano ito nagawa ni Blake sa kan’ya?’ Nanghihinang nagtago siya sa pader na naroon. Sumilip ulit siya pero wala na sa pintuan si Blake. Mukhang kakasara lang ng pintuan. Hindi na siya nagtagal doon. Lugong-lugo siya nang bumaba. Parang lahat yata nang pagod niya ngayong taon, ngayon lang bumuhos. Wala siyang lakas humakbang lalo na nang makarating sa labas ng building. Napayakap din siya sa sarili nang salubungin siya ng lamig. Hindi niya alam kung saan siya patungo nang mga oras na iyon. Hindi mawala sa isip niya ang nakita. ‘Bakit siya nagawang lokohin ni Blake? Bakit ngayon pa, kung kailan kailangan niya si Blake?!’ Hindi niya napansin ang gutter ng kalsada, dere-dertso lang siya naglakad, na muntik na niyang ikadapa sa semento. Buti na lang may humapit sa kan’ya mula sa likod. Hindi niya mapigilang mapapitlag nang maramdaman ang kuryente mula sa kamay ng taong may hawak sa kan’ya. Kasabay kasi niyon ang pagtama ng hininga nito sa batok niya. Naipusod pa naman niya ang buhok niya. Bumitaw ito kaagad kaya humarap siya dito. Napaawang siya ng labi nang mapagsino ang yumakap sa kan’ya ngayon lang. ‘Ang lalaking nag-alok sa kan’ya ng kape at tea sa airport!’ “S-salamat nga pala. ‘Di ba, ikaw ‘yong nasa airport? ” tanong niya dito. Ngumiti ito nang matamis sa kan’ya. “You have a sharp memory, huh?” “Medyo.” Napatitig siya sa mukha nito. Ngayon lang niya napagtantong guwapo pala ito. ‘Baka dahil sa sinag ng ilaw?’ “Puwede mo ba akong ilibre ng kape or tea?” wala sa sariling sabi niya rito. Lumiwanag lalo ang mukha nito na lalong ikinaguwapo nito sa paningin niya. Ngumiti pa ito sa kan’ya kaya napalunok siya ng sariling laway. “Sure! But, sarado na yata ang ibang cafe dito.” Bahagyang lumungkot ang mukha nito. “S-sa bahay mo na lang,” suhestiyon niya. ‘Bahala na si batman!’ Gusto niya ng kausap. Kahit ngayon lang. “S-sure ka? Sabi mo hindi ka-” “Please?” agaw niya sa sasabihin nito. Saglit na natigilan ito bago nagsalita ng, “Okay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD