"Girl, kanina kapa! Hindi ka makapag focus sa rehearsal niyo! May problema kaba? At saka pansin ko yang mata mo girl, umiyak kaba?" Lutang parin si Madison, wala siya sa kanyang sarili. Hindi makapag focus ng mabuti. "Girl, nakikinig kaba? Hoy Madison ah! Huwag kang ganyan, hindi ka nakakatawa." untag sa kanya ni Marco,pero nanatili siyang walang naririnig. Bagkus pansin ni Marco ang mga butil ng luha na lumabas sa kanyang mga mata. "Girl ano ba! Sagutin mo naman ako oh! May problema kaba? The last time I saw you crying that was five years ago. " Nasa ganoong eksena sila ng dumating si Vince. "What's happening here? Marco, what was that?" nag-aalalang tanong nito kay Marco. Tinititigan niya ang maamong mukha ni Madison, walang anu mang lumalabas sa bibig, pero patuloy ang paglandas

