"Baby let's go, are you excited hmm? Dahil walang work si Mommy mamamasyal tayo! Babawi si Mommy sayo!" masayang sabi ko kay JR, she was so busy lately, puro na lang siya trabaho at nakakalimutan na niya ang anak niya. "How about Tita Ninang po, is she coming too?" "Yes baby, sunod na lang sila ni Tito Ninong!"may ngiting sabi niya, habang pinisil ang tungki ng ilong nito. "Ouch Mom! " natatawang sabi nito, ang sarap lang panggigilan ng anak niya. Naalala na naman si Sebastian, talagang kuhang kuha niya ang mukha ng Ama. Pagkatapos nila sa Mall ay sa amusement park naman sila nagpunta. Nakikipaglaro si JR sa mga kapwa niya bata, may mga bantay din ang mga ito kagaya niya. Nakaupo lang si Madison at Alyana habang nakatanaw Kay JR. Nang biglang nag-iba ang awra ng bata. Lumapit ito sa

