"Mom, what are you doing here? Nag-usap na tayo diba? Ang kulit mo naman Mommy eh! Gusto niyo bang pagtaguan niya tayo ulit?" naiiling-iling na sabi ni Sebastian sa ina. Pasimple niyang nilapitan ang ina, dahil natatakot siyang baka may makakita sa kanila. "She's so beautiful anak, promise me babawiin mo siya ok! Ibabalik mo siya sa atin, ibabalik mo sa atin si Madison understand me iho?" "Yes Mom, don't worry! Pero unti-untiin natin ok? Kaya uwi na po kayo,at baka hinahanap na kayo ni Daddy." Natatawa na lang si Sebastian habang tanaw ang Ina paalis ng event hall. Samantala masayang masaya ang lahat dahil naging successful ang event ng Montecillo clothing line. Madison and her team are so happy for being part of the runway's. "Congratulations everyone, let's celebrate for our succ

