MADISON POV: ALAS kwatro na ng hapon ng makarating ako ng office. Pagkagaling namin ng clinic ay hinatid na ako ni Sebastian sa office ko at siya naman ay bumalik na sa mansion dahil hindi pa daw nakakauwi si Cheanneli. Hindi na ako magtataka, dahil nagpakalunod na sa sarap ang gaga kasama ng kanyang DOM. "Ang tagal mo girl, kanina pa naghihintay yung isang client natin mabuti nalang at hindi pa siya nakakaalis!" dahil sa mga nangyari mula kaninang umaga ay nakalimutan ko na ang trabaho ko. "Ganoon ba? Naku girl, pasensya na importante lang kasi yung ginawa ko. Nasaan ba yung client?" tanong ko kay Marco nang may sumalubong sa akin. "Akala ko hindi kana darating eh! Aalis na sana ako!" sabi nito sa akin ng nakangiti. "Vince! Akala ko naman kung sino, anong atin Vince?" tanong ko d

